#15

671 13 0
                                    

Erikton's POV

Si kiol? Bakit si kiol?

Hindi ko inaalis ang tingin ko kay dahmien at prinoproseso ko sa utak ko ang mga nangyari.

"Si kiol?" saad ni mama

Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at hinilot ang sentido ko. Naiinis ako at hindi ko na makalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano yung totoo kasi wala akong maalala nung gabing yun!

So ibig sabihin si kiol ang ama ng dinadala ni charmaine at hindi ako? Tang'na! Bakit ganon!?

"A-Ahh.." napaharap ako kay charmaine ng may dinaing siya. Nanlaki ang mata ko ng naka hawak siya sa tiyan niya

"Bakit?" agad akong lumapit sakanya at inalalayan siya

"A-Ang sakit.. A-Argh!" saad niya kaya naalarma na kaming lahat

Kumaripas ng takbo si daymien at erikal para kumuha ng kotse.

"Arrggghhh!" daing niya kaya nag uumpisa nakong kabahan.

Agad ko siyang binuhat na pa bridal style at inilabas ko siya papunta dun sa kotse.

"Hala ate!" naiiyak na usal ni erikal

Agad na pinaharurot ni daymien ang sasakyan papunta sa hospital. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa bawat daing ni charmaine. Hindi ko alam ang gagawin, nablablangko ako.

Nang makarating kami sa hospital ay tinakbo ko na siya sa ER. Sinakay siya papunta doon sa ER.

"Sir hanggang dito nalang po kayo." saad nung nurse at pumasok na sa loob

Mariin akong napapikit at hinawakan ko ang batok ko.

"Argh!" sigaw ko at sinipa ko ang upuan doon

"Kuya.." rinig kong saad ni erikal

Tumingala ako para mapigilan yung luhang bumabadya sa mga mata ko. Umupo ako sa upuan at tinukod ko ang mga siko ko sa tuhod ko tsaka ako napahilamos sa muka.

"Magiging okay din naman si ate charmaine.." rinig kong sabi ni daymien

Napahawak ulit ako sa batok ko at ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Bakit sa mga araw na dumaan lagi akong nag aalala kay charmaine? Bakit ayaw ko laging nasasaktan siya? Bakit sa tuwing nahihirapan siya, e, lalo akong nahihirapan?

May gusto na ba ako sakanya?

Pilit kong inaalala yung pangyayari nung gabing yun pero wala talaga akong maalala. Siguro ay kung may mag papaliwanag sakin ng nangyari, tsaka ko maaalala.

"Is she okay?" nanatili akong nakatingin sa sahig. Narinig kong nag si datingan sila

Maya maya lang ay bumukas na yung pinto ng ER at lumabas yung doctor.

"Kamusta na siya? Yung baby? Gising ba siya? Nawalan siya ng malay kanina, anong nangyari? Bakit sumakit yung tiyan niya?" sunod sunod kong tanong

"Kuya, huminahon ka.." saad ni erikal pero hindi ko siya pinakinggan

Kinginang doctor to! Pa thrill pa!

"She's okay now. Sadyang napagod lang siya, kaya siya nawalan ng malay. Nag reflect din yun sa baby kaya sumakit. Wag na kayong mag alala, huwag nalang natin siyang hayaan na ma stress dahil hindi yun healthy." paliwanag nung doctor

"Thank you doc." si erwin na ang sumagot dun sa doctor dahil naging tikom nako.

"Maiwan ko na kayo, maya maya lang ililipat na siya sa room para makapag pahinga." saad nung doctor at umalis na

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon