#3

827 13 0
                                    

Erikton's POV

"A-anong nakita mo?" kinakabahang tanong ko.

Baka si kiol na ang makapag patunay na ako ang gumawa nun..

Damn it!

Humarap siya sa daan "Pre mabait na tao si charmaine.. Isa siyang babaeng may malaking pangarap." Tumingin siya sakin "Nakita kong nag hahalikan kayo sa kwarto, wala ka nang damit pang itaas non pre."

Fuck!

Ako nga talaga?

Oh come on erikton! Hindi ba obvious na ikaw nga yun?!

"L-lasing ako nun.." usal ko

"Alam ko naman.. Pano kung mag bunga yun pre?"

"Hindi ko alam.." ang tanging nasabi ko "Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang maibibigay ko sakanya."

"Tsk." napatingin ako sa daan "Gwapo lang kasi ang meron ka eh," natawa naman siya "Ang bilis mo sa babae pre."

"Aksidente nga lang yun!" depensa ko

"Oh relax lang! Hindi ko naman sinasabing ginahasa mo si charmaine no!" natawa pa siya

Sinandal ko sa bintana ang ulo ko at pinikit ko ang mga mata ko.

"Pano kung ganon nga pre?" mahinang saad ko

"Alin?"

"Pano kung mag bunga nga? Anong gagawin ko?" at inuntog ko ang ulo ko sa bintana ng kotse

"Edi panindigan mo. Ginawa mo yan eh."

"Hindi pako handa maging ama!"

"Pre.." napatingin ako sakanya "Kailangan mong panindigan yun. Kahit na hindi kapa handa, tsaka kawawa si charmaine kapag binuhay niya mag isa yung bata."

"Wala pa naman eh, hayaan na muna natin." usal ko

-

Nandito nako sa bahay at dumirecho ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Bakit ginabi kana?"

"Pffffttt!" naibuga ko yung tubig na iniinom ko sa gulat "Ma naman!"

"Oh bakit? Gabing gabi kana kasi nauwi ayan!"

Nasamid pako! Ang sakit..

"Aakyat na po ako, maaga pako bukas." walang ganang sabi ko

"Abaa! Himala ata at papasok ka?" gulat naman akong napatingin kay mama

"Ah.. Oo ma, papasok nako." bored kong sabi at pumunta ng kwarto para matulog

6:12AM ako nagising dahil medyo maaga din naman akong natulog kagabi.

Umupo ako sa upuan at ilang minuto din akong tulala.

Hanggang sa may mag text sa cellphone ko kaya napaayos ako.

Orken Panget :'>

Orken :

"Hoy gagoAno yung sinasabi ni
Kiol na secret niyo ha?"

Ako :
"Wala yun, inaasar ka Lang non. Naniniwala
Ka don."

Orken :

"Kingina kayo, Pag meron lang e."

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon