#16

866 20 0
                                    

Charmaine's POV

Nakalabas nako ng hospital at nandito ako sa kinuhang unit ni tita dlea para sakin. Araw araw niya daw akong bibisitahin dito para ma check ang kalagayan ko.

So ayun, mag isa lang ako dito sa unit. Sinubukan kong kausapin si tita Arleni pero sabi niya siya nalang daw ang pupunta dito baka mapaano daw ako.

Hindi ko alam kung galit pa siya. Pero mukang soon as posible ay matatanggap na din naman niya.

Napatayo ako ng may nag doorbell. Nagtungo ako dun sa may pintuan at binuksan ko ang pinto. Bumungad sakin si tita arleni.

Ngumiti siya sakin "Kamusta?" saad niya

Ngumiti din ako "Okay, okay napo." sagot ko

"Pwede bakong pumasok?" tanong niya

"Ay opo. Pasok po.." saad ko at pinapasok na siya. Nag punta kami sa couch at umupo kami. Hinarap niya ako

"Kakausapin kita." saad niya kaya tumango ako "Alam mo nung una ay ayoko talaga sayo, pero napatunayan ko na naman na marunong ka sa gawaing bahay. Nagalit ako, galit na galit, ng malaman kong buntis ka at ang anak ko ang ama." ngumiti siya "Basagulero si erikton, babaero din noon at napaka sama ng ugali minsan, pero alam mo ba ang kinabilib ko sakanya?" tanong niya sakin

"Ano po?"

"Hindi pako nabastos ni erikton, hindi niya ako nilabanan. Minsan ay napupuno na siya sakin kaya siya sumisigaw, pero nag kakaayos din naman kami. Nung araw na inaway kita, yun ang unang unang sinigawan niya ako ng ganon. Yun ang pinaka malala sa lahat, yung tipong buong galit ang lumabas sa kanyang mga mata." nakikinig lang ako "Nakikiusap ako sayo, huwag mo sanang sasaktan ang anak ko kung sakaling mahalin ka man niya. Masyadong masaktanin si erikton, madalas din siyang magtago ng sikreto." dagdag pa niya

"Umalis daw po siya?" tanong ko

"Oo, umalis siya at sinabi niya saking babalik siya kapag nanganak kana." saad niya kaya kumunot ang noo ko

"Bakit po ganon?"

"Hindi ko rin alam, hindi niya sinabi." saad niya kaya napaisip ako. "Gutom kana ba? Ipagluluto kita." nakangiting saad ni tita

Gumaan na ang pakiramdam ko sakanya dahil dito.

-

Makalipas ang ilang buwan...

"Grabe ang laki na ng tiyan mo!" puna ni kaith sakin

"Pumapayat na nga ako eh!" nakanguso kong saad

"Lalaki kasi ang anak mo, sayang at wala si erikton nung nag pa ultrasound ka." saad ni kaith

Napatahimik ako saglit "Wala nakong balita dun." saad ko

Simula kasi nung araw na umalis siya hanggang ngayon ay hindi ko na alam kung anong nangyayari sakanya eh, kahit pamilya niya ay hindi rin nila alam.

"Hennlloo!" napatingin ako sa dumating sila kiol at katnnie.

Sinagot na din pala ni katnnie si kiol at mag tatatlong buwan na silang mag on. Nung una ay nagtaka ako kung bakit hindi nako nasaktan. Sinabi ko na rin sa sarili ko na mahal ko na nga talaga si erikton dahil don.

Hindi ko din sinabi kay kiol na baka siya ang ama ng dinadala ko dahil ayokong masira sila ni katnnie. Malay natin diba, si erikton ang ama ng dinadala ko.

"Baby!" lumapit si katnnie sa tiyan ko at hinipo iyon

Alam na rin nila na buntis ako, nung nasa hospital ako non. Nagalit nga si orken pero natawa din dahil ang bangis daw ni erikton. Loko talaga!

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon