#5

751 10 0
                                    

Erikton's POV

Nandito nako sa school, at kaninang umaga ay nakipag ayos nako kay mama dahil sa nangyari kagabi.

"Pre bukas ah!" paalala sakin ni orken kaya tumango nalang ako.

Wala namang bago ngayon, puro turo lang, activity, test. Wala namang bago.

-

Dumating ang araw ng sabado.

Civilian clothes ang naatas saming lahat. May mga dala din kaming extrang damit at dala yung tshirt na gagamitin sa pinaka main activity.

Pinaliwanag na samin kahapon kung anong gagawin, mag iistay lang naman sa camp na tinutuluyan tapos mag lalakbay lang para maka discover ng mga bagay tungkol sa subject.

Dalawang araw yon.

Bawat team daw ay mag lalakbay, yung team namin, kami lang ang sama sama sa bawat pupuntahan. Si jero ang napili nilang team leader.

"Aalis na po ako," paalam ko kay mama at kinuha na ang bag ko

Sa school na daw mag kikita kita, at sasabay sa bus papunta sa camp.

"Mag iingat ka ha."

"Babye kuya!" saad ni erikal habang may laman na pagkain sa bunganga

"Sige.." at umalis nako dala ang bag ko.

Naka t-shirt ako na plain white tapos naka black jeans then rubber shoes. That's my style.

"Uy!" nagulat naman ako ng biglang may sumulpot sa tabi ko habang nag lalakad

Madaling araw palang kasi mga 4:20am palang. Kaya medyo madilim at malamig pa sa labas. 6:00am kasi ang start tapos 5:00am daw dapat nandon na

Hindi ko na siya pinansin at naglakad nalang "Sungit mo naman!" sabi niya at sinabayan akong maglakad "Parehas tayo ng suot haha!" napatigil ako at tinignan ang damit niya

Naka plain white t-shirt din siya at pero naka black leggings siya then rubber shoes na white.

"Oh tapos?" walang gana kong tanong at naglakad na

"Tsk!" reklamo niya "Wala kang sense kausap."

Akala ko tahimik siya, yun pala kapag nakilala ka na niya ng matagal ay mag kukulit na!

Nakarating na din kami ng school at nakita ko na agad sa gilid sila kiol at orken. May kasama sila, si jero, yung isang lalaki at babae.

Yun siguro yung mga ka team namin.

"Ito na pala sila eh," saad ni orken at napatingin sila samin "Uyy couple ba kayo?" pang aasar ni orken

Kami lang dalawa ang naka puti at parehas pang plain. Grabe..

Nagsalubong naman ang tingin namin ni jero. At napunta naman kay charmaine ang tingin niya.

"Girlfriend mo?" asar niyang tanong sakin

"Magkakilala kayo?" si kiol

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon