Erikton's POV
7am na ngayon at naririnig ko na namang dumadakdak si mama sa labas.
Kaya naman ay nag mumog muna ako at nag hilamos bago lumabas ng kwarto.
"Mag babayad naman kami sa upa! Hindi pa sa ngayon dahil wala pa ang sweldo ko!" dinig kong sigaw ni mama
Naniningil na naman yung may ari nitong bahay, nung isang buwan pa kasi kaming hindi nakakabayad.
"Wala akong pakialam! Nung nakaraang buwan pa kayo nag sasabi na mag babayad kayo! Eh bakit ngayon wala pa?"
Parehas sila ni mama na ang tabil ng mga dila. Napakaingay. nakita ko naman yung kapatid ko na inaawat na si mama dahil malapit na niyang masabunutan yung may ari ng bahay.
Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ako ng 2,500, inabot ko sa may ari.
"Sa susunod nalang ho yung isa pang 2,500.." saad ko at nanahimik naman yung may ari
"Buti pa itong anak mo may pera! Ikaw tong ina wala kang kwenta! Hay nako!" sabi pa niya at umalis na
"Kapal ng muka mo hoy!" sigaw pa ni mama
"Tama na ma." awat ko
"Saan galing ang pera mo aber?" masungit na sabi ni mama
"Baon ko ho yun, inipon ko lang. Ang aga aga ang iingay niyo." mahinhin na sabi ko
"Aba dapat ngang maaga ka magising dahil tutulungan mokong magtinda!" sigaw pa niya
Sabado na kasi ngayon.
Ang ayoko talaga sa lahat ay mag titinda eh, hindi ko trip yung mga ganyang mag bebenta ng mga gulay, bigas! Ah letche!
"Yes! Kasama natin si kuya!" masayang sabi ni erikal
"Oo para may utusan ka!" inis na usal ko sakanya kaya ngumuso siya "Wag ka ngang ngumuso! Hindi cute para sayo. Muka kang hito! Alis na dyan!"
"Hoy! Ang init niyang bunbunan mo? May regla kaba?" Sigaw ni mama kaya tumawa ang kapatid ko
"Uy si kuya dalaga na!" tukso niya
"Uy si bunso tuli na!" asar ko kaya napanguso siya ulit
"Bilisan nyo na! Aalis na tayo!" Sigaw ni mama
"Ma! Ayoko pong mag tinda!" maktol ko
"Ayaw mo?" lumapit siya sakin at namewang "Edi sana humingi ka sa tatay mo ng pera! Para ngayon ay lagi kang nasa galaan! Mayaman naman iyong tatay mo eh! Hindi nga lang makuntento! Abay jusko. Puro iba't ibang babae ang gusto, parang ikaw! Napaka! Napaka babaero ninyo!" speech ni mama
"Hindi naman ako tutulad don." inis na sabi ko "Ayokong umasa don."
Galit na galit ako sa tatay ko dahil nga iniwan niya kami para dun sa kabit niya, hindi man lang nag bigay ng sustento. Alam kong kahit bali-baliktarin man ang mundo, eh tatay ko pa rin siya, pero para sakin hindi ko na siya ama.
-
Nandito na kami sa palengke at dito kami sa pwesto namin naka toka.
Bawat may bumibili ay tinitignan ako at ako naman ang pinag bebenta ni mama, si erikal naman ang taga kuha ng mga pera nila, ako yung taga kilo.
"Uyy!" napatingin ako sa nagsalita.
Ang bwisit sa buhay ko, si jero.
"Tindero ka na pala?" natawa siya
"Mahirap kasi yan pre." kasama niya pala yung mga abubot niyang mukang langka
"Hahahahaha!" nagtawanan naman sila

BINABASA MO ANG
One Night
RomansaIn just one night, they have it.. the : Unexpected surprises... Unexpected things... Unexpected happens... and... Unexpected baby? - Written by : ms_alleng