Charmaine's POV
Nandito na kami sa may hospital na pang buntis, wala naman kasi akong alam sa mga ganyan eh. Papa check up lang naman ako.
Nakaalis na kami mula sa kamay ni kotcho dahil medyo natakot na din si kotcho kay erikton, kahit ako din eh.
Nakaupo ako sa waiting area at nakapila. Kahanay ko yung ibang babaeng buntis at ang iba ay may maliit pa rin na tiyan.
Nasa gilid naman ang mga mister nila, at kasama na don si erikton.
Napangiti naman ako na hindi ko inaasahan, pano ba naman kasi ay kasama ni erikton ang mga mister ng mga babaeng buntis dito.
Nawala naman ang ngiti ko ng nakatingin siya sakin ng masama at ang porma niya ay nakapamulsa habang naka sandal sa puting pader.
"Hi.." bati sakin nung katabi kong babae na medyo nasa 20+ na din "Buntis ka rin?" tanong niya
Pakiramdam ko ay namumula ang pisnge ko "Hindi pa po alam eh, papa check up lang." sagot ko
"Ahh.." sabi niya "ilang taon kana? Parang ang bata mo pa ah?"
"Tu-22 nako." pag sisinunghaling ko
"Ay ganon, muka kang mga nasa 18? 17? Hahaha basta. Ako naman ay 26 years old." nakangiti niyang sabi
"Ilang months na yan?" tanong ko
"4 months na siya." naka ngiti siyang sabi "Sinong kasama mo?" tanong niya
"A-ahh.." napatingin ako kay erikton na nakatingin pa rin sakin "Y-Yung asawa ko." lumunok pako
"Ay talaga? Saan siya dyan?" galak na tanong niya
"Yung naka black na t-shirt." sabi ko
"Ay wow! Ang gwapo naman ng mister mo.. Muka rin siyang bata ah? Ganon ba kapag mayaman? Ang gwapo oh! Maputi pa." pag pupuri niya kay erikton
"Ikaw sinong kasama mo?" tanong ko
"Yung nanay ko." naka ngiti siyang sabi at may nag salita naman na nurse "Ay sige, sunod nako eh. Babye!" sabi niya at pumasok na sa loob
Buti pa siya may supportive na ina, ako nga wala eh.
Kasama niya yung nanay niya hanggang mailabas niya yung bata, samantalang ako nag bubuntis labag pa sa loob nila.
"Nagugutom ka?" nagulat naman ako ng sumulpot si erikton sa harap ko
"Ayos lang, kumain naman ako kanina sa bahay." sabi ko at napatingin sa sugat niya "dumudugo pa rin yung sugat mo oh." saad ko
"Ano bang pumasok sa isip mo at humarang ka sa harap ko?" masungit niyang sabi
"Eh kasi naman po! Baka madagdagan pa yang bangas mo, sisihin mo pako."
"Bakit kita sisisihin?" inis niyang sabi
"Malay ko ba, sige sa susunod kapag sasaksakin kana, hindi nako haharang." natawa ako sa sinabi ko pero siya naka moody face pa rin

BINABASA MO ANG
One Night
RomanceIn just one night, they have it.. the : Unexpected surprises... Unexpected things... Unexpected happens... and... Unexpected baby? - Written by : ms_alleng