#6

667 9 0
                                    

Charmaine's POV

"Sorry." naka yuko kong sabi sakanya, kanina pako nag sosorry pero dedma pa rin siya at patuloy lang sa pag lalakad

Kasalukuyan kasi naming hinahanap ang daan pauwi, naiwan pa naman ang mga cellphone namin sa tent. Wala rin kaming mahihingian ng tulong dahil walang ka tao tao dito

"Kanina kapa nag so-sorry." malamig ang boses niya, mababakas din sa boses niya ang inis.

Bakit ba siya ganyan? Napaka sungit niya sobra! Hindi man lang ako pakisamahan ng maayos, noong una naman ang ayos ayos niya tapos ngayon. Hayyy

"Baka lalo tayong maligaw." mahinang sabi ko, tama lang para marinig niya.

Napaatras ako at yumuko ng galit siyang humarap sakin "Oo na, kasalanan ko." saad ko habang kinukutkot ang kuko ko

Narinig ko ang maingay niyang buntong hininga at unti unti akong tumingin sakanya. Salubong na salubong pa rin ang mga kilay niya at anumang sandali ay makikipag away na.

"G-galit kaba?" utal kong usal sakanya

"Hindi." tipid niyang sagot at nagpatuloy sa paglalakad.

Maya maya pa ay bigla nalang nanlabo ang paningin ko dahil nakaramdam nako ng gutom. At pagod na din ako.

Nitong mga nakaraang araw lagi nalang akong nagugutom at minsan pa nga ay marami akong nakakain, gusto ko din ng mga matatamis.

"Sandali lang.." pigil ko sakanya at umupo muna sa paanan ng puno "Papahinga muna ako."

Tumigil siya at luminga linga sa paligid, kanina pa kami nag lalakad pero parang mas lalo lang kaming napapalayo eh, kasalanan ko to eh.

Tinitigan ko naman si erikton, mababasa ko sa muka niya ang masungit na taglay. Minsan makapag hindi salubong ang mga kilay niya ay para siyang maamong lalaki na hindi ka papalagan. Pero kapag nag seryoso siya, nakakatakot.

Hindi ako makapaniwala na ganitong lalaki ang sisira ng virginity ko...

Isang gwapo, matalino, matangkad, maputi, medyo singkit, mabango, at may respeto naman ata sa mga babae ay nanira ng alaga ko ng ilang taon.

"Nagugutom nako," nakanguso kong saad kaya napatingin siya sakin "Bakit ba kasi laging galit ang muka mo? Pinaglihi kaba sa sama ng loob?"

"Gusto mong kamatis?" asar na saad niya. "Oh?"

Agad naman akong naduwal ng makita ko ang kamatis na hawak niya, at napahawak ako sa puno para ilabas ang duwal ko.

Hindi ko alam pero ayoko sa kamatis talaga!

"Pinitas ko lang to, kainin mo." usal niya

Lumayo ako ng ilapit niya ang kamatis sakin.

"Arte mo." sabi niya at binato ang kamatis sa tabi "Tara na, mag gagabi na oh." sabi niya

-

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay bumagal na ang lakad namin dahil inaalam namin ang dereksyon. Madilim na rin ang kalangitan, ang buwan nalang ang nag sisilbing ilaw dito.

"O-oy.." kalabit ko sakanya "w-wala bang mga w-wolf o kaya bampira dito?" saad ko

Kumunot ang noo niya "Bampira meron," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, lumapit siya sakin "Ako, gusto mong kagatin kita?"

Natawa siya ng itulak ko siya ng marahan, at nagtuloy tuloy na kami sa paglakad.

"Naniniwala ka sa bampira?" tanong ko

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon