#13

599 13 0
                                    

Erikton's POV

"Basag ka ata?" bungad sakin ni orken ng mailapag niya na ang pagkain na inorder niya

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kanina lang ay naka sama ko si charmaine, umiiyak siya dahil kay kiol at kanina ko pa yun iniisip.

"Hindi. Stress lang ata sa school." dahilan ko kay kiol

"Nababakla kana?" gulat na tanong ni orken at pinandilatan ako ng mata

"Boba! Bakit ako mababakla? Itutulad mo pako sayo, lampa!" saad ko na may halong pang aasar

"Yabang nito! Samantalang umiihi ka nun sa kama nung first year high school tayo ah!" natatawang usal ni orken kaya tinignan ko siya ng matalim

"Nanaginip kasi akong naihi ako! Hindi ko naman alam na naihi pala talaga ako." saad ko

Totoo naman, katabi ko si orken non pero konti lang naman yung naihi ko kasi nagising ako agad! Parang wala nga lang yun eh.

"Sus! Tatanggi pa! Sabihiin mo, may kaaway ka sa paniginip mo kaya ka naihi." natatawang sabi niya

"Gusto mong hilahin ko yang dila mo?" sarkastikong saad ko

"Oh mga ulol!" sigaw ni kiol at naka-amba pa ang mga braso na yayakap

"Saan ka galing?" masungit na saad ni orken

"Hinatidan ko si katnnie ng pagkain, baka nagugutom na yun eh. Tapos alam niyo ba kanina..." umupo siya sa silya "May chikababes na tumabi sakin habang nasa bench ako! Ah putek! Ang ganda eh!" saad niya pa at mukang namamangha

"Akala ko ba may katnnie kana, mag babago ka din sabi mo para kay katnnie." si orken

"Oo nga.." humina ang boses ni kiol "Pinuri ko lang naman yung babae eh."

"Ano yun kiol?" biglang dumating si katnnie

"Wala naman akong gusto don mga brad, actually ang panget nga nung babae eh. May galis galis at piso piso sa paa!" kunyaring hindi napansin si katnnie pero napansin naman talaga "Ohhh! Nandito na pala ang reyna ko!"

Sus! Mga galawan ni kiol na sobrang luma na!

"Sobra yung dala mong pagkain kaya hati tayo." saad ni katnnie

Tumayo si kiol at unurong ang upuan para makaupo si katnnie. Inalalayan din ni kiol si katnnie na maka upo.

"Salamat.." saad ni katnnie ng maka upo na

Nasagi naman ng paningin ko si charmaine na napatigil sa paglalakad habang nakatingin sa gawi nila kiol.

Agad na nagtama ang paningin namin at ngumiti siya ng pilit. Tumayo ako.

"Cr lang.." paalam ko sakanila at pumunta na kay charmaine

"Tapos ka nang kumain?" saad niya

"Kumain kana?" tanong ko

"Ikaw ang tinatanong ko, bakit ako ang tinanong mo?" nahihiyang sabi niya

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon