#10

653 13 0
                                    

Charmaine's POV

"Woah!" react nilang lahat ng unting unting ihiwalay ni erikton ang labi niya sa labi ko

Hindi pa rin mawala ang kabog ng dibdib ko at ang panlalaki ng mata ko.

Gulat na gulat ako sa pangyayari, unang beses kong maranasan ang mahalikan sa labi. Alam kong may nangyari samin ni erikton, pero wala ako sa sarili ko nun.

"Woahh!" react pa rin nila

"Are we done?" tanong ni erikton sakanila na parang walang nangyari, gulat pa rin akong nakatitig sakanya

"Pre? Bakit sineryoso mo?" tatawang sabi ni orken pero namumula na

Umayos ako ng upo at sinubukang umakto ng walang nangyari.

"Woah, erikton.." si katnnie "You really.. Kiss her?" hindi makapaniwalang saad ni katnnie

Pinandilatan ko si erikton pero hindi siya tumitingin sakin!

Argh!

"Okay, let's end this game." si orken

Lunok pa rin ako ng lunok at parang pinagpapawisan nako kahit malamig dito sa loob.

Jusko po!

"Oh charmaine!" lasing na usal ni kiol "Bakit.. Hindi ka inom?"

Ewan ko ba kung lasing to o abnormal na eh.

"Stop it kiol, lasing kana." sabi ni katnnie

"Hindi ako lashing! Ano ba kayo!" sigaw niya at pabagsak na sumadal sa sandalan

Si orken naman ay medyo matino pa at nakatitig lang sakin at minsan ay lilipat ang tingin kay erikton.

"Let's go home, late na." bulong sakin ni erikton

"Paano sila?" tanong ko

Bumuntong hininga naman siya at wala ng nagawa kundi mag stay muna. Nakalimutan niya atang may mga kaibigan pa siyang kasama.

"Kiol!" iritang saad ni katnnie ng yakapin siya ni kiol

Ito na naman ang puso ko at kumikirot na naman. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa rin ako, eh hanggang kaibigan lang naman ang tingin sakin ni kiol.

Pinaglaruan ko ang daliri ko at kinutkot nalang yun para hindi ko na sila mapansin.

"Mahal na mahal kita katnnie.." sa bulong yun ni kiol ay gumuho na ang mundo ko

Gusto kong i sink in sa utak ko na hindi niya ako mahal, gustong kumawala ng mga luha ko at ibuhos lahat yun ngayon.

Siguro nga mali ako dahil binuhos ko agad ang pagmamahal ko kay kiol at hindi ako nagtira sa sarili ko.

Napatingin ako kay erikton ng umusod siya sakin at nagkadikit ang magkabilang balikat namin. Nawala ako sa huwisyo ng ilang inches nalang ang layo ng muka niya sakin.

"A-Anong..." hindi ako makapag salita dahil ang lapit ng muka niya sa muka ko

"Nasasaktan ka?" tanong niya habang nakatingin ng derecho sa mga mata ko

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon