#12

618 13 0
                                    

Charmaine's POV

"Ayusin mo naman!"

Sigaw sakin ng mama ni erikton. Huminga ako ng malalim dahil kanina ko pa inaayos tong mga libro sa mini library ng mga kapatid ni erikton.

"Dito sa bahay ay hindi ka dapat prinsesa, naiintindihan mo?" usal pa niya

Tatlong araw nako dito sa bahay nila erikton at nalaman din ng pamilya ni erikton na dito muna ako titira, pansamantala lang naman.

Sinabi din ni erikton na matalik niya akong kaibigan kaya pumayag naman sila. Ang tatay ni erikton at si tita dlea ay mabait.

Ewan ko lang dito sa nanay ni erikton.

"What are you doing to my ate?" napatigil ako sa ginagawa ko ng makita si si damien habang hawak yung teddy bear niya. "My ate are not maid here!" inis na sabi niya

"Tinuturuan ko lang naman itong maging responsable eh." mahinahong sabi ng mama ni erikton

Si erikton ay umalis at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Laging masungit sakin yun si erikton. Hindi lang pala sakin, pati sa lahat hahaha.

"Come with me ate." kinuha ni damien ang kamay ko at hinila ako palabas

"Madumi ang kamay ko damien." usal ko

"I don't care!" inis na sabi niya at lumabas kami

Pumunta kami ng parking lot at napansin ko si erikton na nakasandal dun sa isa sa mga kotse at nakapamulsa.

Kinunutan ko siya ng noo pero mukang hindi niya kami napapansin dahil sa kawalan siya nakatingin.

"That beast is here again!" inis na usal ni damien

"Bakit beast?" tanong ko

"He always mad at me. He tease me as always."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Puntahan natin siya dali.." sabi ko at pinuntahan namin si erikton

Napaayos siya ng tayo ng mapansin kami. Nag salubong na naman ang mga kilay siya at hinarap kami

Tumaas ang kilay niya ng makita niya si damien. Aawayin na naman niya tong bata!

"Anong ginagawa mo, liit?" inis na tanong ni erikton

"Huwag mo ngang ganyanin yung bata." saway ko kay erikton kaya napangiwi siya

"I'm not small!" protesta nung bata

"Because you're pandak." nag smirk pa si erikton at mukang nang aasar

Tinignan naman ako ni erikton at pinanliitan ng mata. "Inaalagaan mo ba yang sarili mo?" tanong niya kaya tumango ako

Napalunok ako ng tumingin siya sa tiyan ko at nagulat ako ng may sumilay na ngiti sa labi niya. Agad din siyang sumiryoso ng makita kong ngumiti siya ng konti.

Weird.

"Gusto kong ice cream." bulong niya at tumingin sa paligid

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon