#14

619 12 0
                                    

Charmaine's POV

Nakaramdam agad ako ng kaba ng magtama ang paningin namin ni tita. Nandito din ang bruhildang pinsan ko. Ewan ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Oh!" usal ni tita at nilapitan ako, habol habol naman sakanya ang tingin ko "Dito ka pala nakatira sa mansyon ng mga salvamon?" gulat na usal ni tita kaya napalunok ako

"A-Ano pong ginagawa niyo dito?" naguguluhang tanong ko

"Humingi ako ng tulong sa mga salvamon para sa pag aaral ng kapatid mo, aalis ka na nga lang mag iiwan kapa ng palamunin!" inis na saad ni tita at napatingin siya kay erikton "Ito iyong lalaking nasa tapat ng pamamahay ko nun ah?" usal ni tita

"Omayghad!" usal ng pinsan ko "He is handsome!" nag eenglish pa, hindi naman marunong "I believe can't i see you!" putcha!

"You're not believing to see him?" sumulpot si damien

Nakoo! Mukang mapapasabak sa english ang pinsan ko ah? Teka! Dapat kakabahan ako!

"What? Wrong legiwege (Language)" usal ng pinsan ko at natawa naman si daymien

"What is legiwege? Is that food?" takang tanong ni damien

"Ito ba ang nakabuntis sayo?" bulong sakin ni tita kaya nanlaki ang mata ko "Aba! Ayos ah. Nakapili ka ng mayaman."

Napansin naming pumunta si erikton sa sofa at umupo ng naka dekwatro.

"Here!" singit ni tita dlea at may inabot na sobre "25,000 pesos." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita

"Para saan yung 25,000 tita?" gulat kong tanong

"Para nga sa kapatid mo! Tanga kaba?" inis na usal niya "Ikaw naman ang magbabayad nito, magkatulong ka nalang! Ay hindi pala.. Buntis ka pala kaya hindi ka pwedeng mag trabaho!" nanlaki ulit ang mata ko sa dere derechong saad ni tita

Napatingin ako sakanilang lahat at napatigil sila. May pinagsamang gulat at pagtataka ang nasa itsura nilang lahat. Napataas naman ang kilay ni erikton at natawa.

"What did she said? Are you.. Pregnant?" si tita dlea

"Hala ate.." si erikal

"Ay hindi niyo alam?" natatawang saad ni tita kaya nainis ako "Hahahaha! Itong babaeng ito nag pabuntis!"

"Tita." saad ko

"Bakit? Totoo naman ah? Nagpabuntis ka! Asan ba yun??" tila may hinahanap siya at napunta kay erikton ang tingin niya kaya pinigilan ko na si tita

"Tita!"

"Sakanya!" turo niya kay erikton at tumigil ang paghinga ko dahil don "Siya ang ama ng dinadala mo, tama?"

Tang*na!!!

"W-Wait, W-What?" si tito erwin

"Owww!" si dahmien

"Tita ano ba!" sigaw ko

"Oh bakit?"

Nakakainis! Sobrang nakakainis! Hindi man lang kami binigyan ng oras ni tita para sabihin sakanila! Bwisit ka!

Napatigil ang lahat ng tumayo si erikton. At hinarap kami.

"Ikaw ang tatay nito diba?" nang aasar na saad ni tita at nakaturo sa tiyan ko.

Tinignan ko ang muka ni erikton na blankong tinitignan ako. Kinabahan ako ng may sumilay na ngisi sa kanyang labi. Hindi na to maganda!

"Eh ano naman ngayon?" nang aasar na saad ni erikton kaya nagulat silang lahat. Ako naman ay gusto ko nang magpalamon sa lupa

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon