Charmaine's POV
Natapos akong mag bihis at handa nakong pumasok sa school, maaga akong pumasok dahil may titignan pako at aayusin sa storage room.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko ang katawan ko.
Grabe ang taba ko na pala! Hindi ko naman namalayan! Tsaka medyo lumaki ang tiyan ko, siguro ay kakainom ng malamig at kakakain.
Lumabas nako ng bahay at nilock iyon, nasa pasugalan kasi si tita ngayon at ako ang naka tokang mag ayos ng bahay.
-
Nandito nako sa school, madilim pa ang langit dahil mag aala sais nako pumasok dahil nga sa naiatas sakin na gagawin.
"Hey!" nagulat ako ng biglang sumulpot si kaith "Grabe ka naman! Konting sabi ko lang yun ah.."
"Ang aga mo ata?" takang tanong ko sakanya
"Well," hinawakan niya ako sa braso "Wala akong magawa sa bahay. Eh ikaw?" tanong niya sakin
"May gagawin ako sa storage room." sabi ko
Ngumuso siya "Sama ako!"
"Sige, pwede naman.."
Habang nag lalakad kami ay napatigil siya "May kakaiba sayo.." usal niya at sinusuri ako "Lumaki ang dibdib mo ah! Naks! Lumalago!" natawa naman ako at hinampas siya
"Samahan mo naman ako sa CR.." aya sakin ni kaith kaya pumunta kaming Cr
Nang makarating na kami sa Cr ay nilapag niya ang gamit niya sa lababo "Meron kasi ako ngayon.." inis niyang sabi
"Parang nagkaroon ka rin this month ah?" saad ko
"Oo nga, nauna ka pa nga magkaroon sakin eh. Kakatapos mo lang ba?" tanong niya at kinukuha ang napkin niya sa bag
"Hindi pako nag kakaroon, nung nakaraang linggo pa dapat. Nalate siguro." sabi ko
"Nako baka buntis ka.." napatigil naman ako sa sinabi niya at patuloy pa rin siya sa pag hahanap "Got it!" at nahanap na niya ang napkin niya "Oh bakit tahimik ka?" at pumasok na siya sa cubicle
"Baka buntis ka.."
"Baka buntis ka.."
"Baka buntis ka.."
Paulit ulit kong naririnig yan sa utak ko!
Shit pano kaya?!
"Okay na." sabi ni kaith at lumabas na "Huy.."
Natauhan naman ako at nginitian siya.
Pumunta na kami sa storage room at inayos na ang mga nakatambak doon.
Habang nag lalagay ako ng mga gamit sa box ay napatigil ako, napatingin ako sa tiyan ko at kinapa ko iyon.
Pano kaya kung totoo yung sinasabi ni kaith? Ilang linggo na din akong hindi dinadatnan. Regular naman ako lagi eh,
BINABASA MO ANG
One Night
RomanceIn just one night, they have it.. the : Unexpected surprises... Unexpected things... Unexpected happens... and... Unexpected baby? - Written by : ms_alleng