#4

809 12 0
                                    

Erikton's POV

"Pre seryoso? Nakita mo yung tatay mo?" si orken. Nandito kami sa cafeteria dahil lunch time namin

"Oo nga, paulit ulit!" inis na usal ko

"Grabe pala! Paano kayo nag kita?" si kiol

"Meron kasing batang nag lalaro nun sa field, nabato nila ako ng kung anong bagay. Tapos yung batang isa nag sorry eh yung batang isang lalaki, aba kala mo matapang di naman niya kaya buto niya. Ayun! Kinalaban ako, ganon din ako kaya na guidance ako. Yung parents nung bata eh yung p*tang*na kong tatay." pag kukwento ko

"Edi ibig sabihin kapatid mo yung nakaaway mo? Destiny ata kayo pre hahaha!" si kiol habang tumatawa

Binigyan ko naman siya ng matalim na tingin kaya napatahimik siya.

"Hey you!" napatingin naman kami ng mga kaibigan ko sa nag salita. Yung bata kanina

"What?" masungit kong tanong

"My dad wants to talk to you.." walang emosyong sabi niya

"Woah! Siya ba yun, bro?" si kiol

"I don't have time. I have classes to attend right now. I mean later.. After an minutes."

"But he wants to talk you!" nag taas na siya ng boses "Are you afraid huh?" pilyong sabi niya

"No. I'm not." tipid kong sagot

"Nakakadugo naman kayo ng ilong mag usap." bulong ni orken

"I'm wasting my time to you! Oh come on!" inis na bulyaw niya

"You're wasting my time too, little monkey." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko

"I'm not monkey!"

"You are."

"I'm not!"

"You are."

"No! I'm not!!"

"You.. Are!"

"Oh God! Stop that!" sigaw ni kiol

"Get out. Dun kana sa palda ng nanay mo." masungit kong tugon

Padabog siyang umalis at sinundan ko lang siya ng tingin.

"Kapatid mo yun?" si orken

"Hindi." tipid kong sagot "Si erikal lang ang kapatid ko."

"Bro, admit it. He's your brother.. Anak siya ng dad--"

"Kiol." pigil ko sakanya "Wala akong tatay, okay?"

"Bro, kahit maging babae kapa, tatay mo pa rin yun." si orken

"Siguro nga," Kinuha ko yung iniinom ko at pinaglaruan yun "Pero para sakin wala nakong ama." tumayo nako at nag lakad na paalis

-

Days have passed. Medyo nasanay na din akong pumasok sa school at mag focus na sa studies. Pero hindi ko pa rin maiwasan makipag away, inborn na talaga sakin ang pakikipag away.

May pasa nga ako sa gilid ng labi eh, nakipag away kasi si kiol sa bar kagabi.

Ayun, pag uwi ko ang tainga ko naman ang may pasa sa loob. Ratratin ba naman ako ni mama, sinong hindi mag papasa ang tainga?

"Pre!" sigaw ni orken habang natakbo palapit sakin

"Bakit?"

"May camp daw na gaganapin sa sabado ah! Kasama ka?" tanong niya

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon