Prologo

408 26 19
                                    

Prologo


"Sapphire, kilala mo ba talaga kami?" tanong ni Valerie nang maiwan kami ng mga magulang ko.


Gusto kong tumango, pero masakit ang ulo ko kaya nagsalita na lang ako.


"Yes, Valerie," I answered. Umirap pa ako dahil pang limang beses na niyang tinanong 'yan.


Tumango siya at naglibot ng tingin. "Sino siya?" tanong niya at tinuro ang katabi niya.


"She's Tracy," sagot ko, "She's Ariadne, while he is Herman, Vlad, and Daryl or Dave. Bakit ba? Masakit lang ang ulo ko, pero wala naman akong amnesia," sagot ko habang tinuturo sila isa-isa bago tumawa.


It's been weeks since I suffered from an accident. I was drunk driving that time and I don't know the reason behind it. Last week, I woke up from coma, and yeah, they went here when they heard that I already woke up. I never imagined myself suffering from a comatose nor amnesia so, no. I don't have amnesia. And, 'yon din ang sinabi sa akin nila Mommy. Tsaka, kung may amnesia nga ako, e 'di sana hindi ko na sila kilala?


Tumango si Valerie. "Kilala mo nga kami," bulong niya.


"Babe, nasa'n na si Gian? Ba't ang tagal niya? Kagigising na nga lang ni Sapphire eh." litanya ni Ariadne kay Vlad.


"Papunta na daw siya eh. Nagpapapogi pa siguro si Gago dahil ngayon lang sila ulit magkikita," the later laughed. Tumawa ang lahat ngunit ako ay hindi.


Doon mas sumakit ang ulo ko. Gian? Sino siya? Nangunot ang noo ko, na naging dahilan kung bakit natigil sila sa pagtawa.


"Bakit, Fire? May masakit ba?" tanong ni Tracy sa akin.


Pumikit ako nang mariin. "Wala, kumirot lang sandali ang ulo ko." Sagot ko.


"Tawagin ko lang—" naputol ang anumang sasabihin ni Herman ng bumukas ang pinto. Napunta ang lahat nang atensyon namin sa lalaking nakahawak sa knob ng pinto.


Gwapo siya. Singkit ang mga mata, maputi, nasa katamtamang laki ang katawan. What I can't lay finger on, is the fact that our eyes met easily despite the fact that his eyes are small and chinky.


Doon ko tuluyang ininda ang sakit ng ulo ko. Yumuko ako at humawak sa ulo kong pumipintig sa sakit.


Why and how the hell this happened?! Is it because of the stranger in front of me?


"Sapphire..." tawag ng lalaking nasa pinto. I don't know why, but my head and heart ached upon hearing his voice.


"Umalis ka," Nginig na saad ko dahil sa sakit ng ulo ko.


"Huh?" aniya kung kaya't bumaling ako sa mga kaibigan ko.


"Paalisin niyo siya. Hindi ko siya kilala," saad ko kila Tracy.


Lahat sila ay may nagtatakhang ekspesyon. Bakit sila nagtataka? Sino ba ang lalaking 'to?


"Sapphire? Hindi mo kilala si Gian?" tanong sa akin ni Valerie.


"Ahh!" sigaw ko nang mas sumakit pa ang ulo ko. Doon sila nag-panic.


"Herman, Daryl, tumawag kayo ng doktor! Vladimir, tawagan mo sina Tita!" sigaw agad ni Ariadne. Agad siyang humawak sa akin, na para bang kinakalma ako.


Hindi ko na nasundan ang pangyayari. Ang alam ko na lang ay pinipilit nina Tracy at Valerie 'yong sinasabi nilang 'Gian' na umalis. Nakita at narinig kong nagsisigawan na sila, pagkaraan, nakita kong halos itulak na ni Ariadne si Gian para lang umalis, at 'yon ang huling eksenang nakita ko bago tuluyang kainin ng dilim ang sistema ko.


Ngunit bago tuluyang mangyari 'yon, isang tanong ang umalpas at naging bulong.



Sino si Gian?

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon