Kabanata 25
Bawal
"You mean, sinundo ka niya ngayong umaga? For what?" tanong ni Ariadne nang matapos kaming manood ng sine at ngayo'y kumakain.
"Para pag-usapan 'yong sinabi niya kagabi," kalmadong sagot ko kahit sa loob loob ko, nagwawala na ako dahil sa mga sinabi niya kanina. Naalala ko tuloy.
Kanina, nang malaman kong nandyan na siya, agad akong nag-ayos. 'Yon ata ang pinakamabilis na pag-aayos ko sa buong buhay ko. For 5 minutes, natapos akong maligo at nagbihis. I've done my everyday look, and went out of my room. Naabutan ko siya sa sala, kausap ang mga kapatid ko, at si Mommy. Daddy is out of the town for his work. Agad akong lumapit, at natanawan naman ako ni kuya.
"Oh, ang bilis mo naman ata mag-ayos?" panunuya niya at tumayo sa sofa para lumipat sa katabing upuan. He's seating beside Gian now. Umirap ako sa ginawa niya.
For a year or two, malapit na si Gian sa pamilya ko dahil madalas siyang nandito para tumambay. Alam na niya kung para saan ang alin, kung saan hahanapin ang ano. Alam na niya ang pasikot-sikot ng bahay, at kung saan natutulog ang sinuman. Alam din naman ng pamilya ko na best friend ko siya kung kaya't hinayaan nila nan tumungo-tungo dito si Gian. Madalas din siyang may kasama na kaibigan ko kung kaya't mas pinahintulutan siya nina Mommy. Minsan pa nga'y inaabutan siya ni Daddy, at magalang naman niya itong kinausap kung kaya't nakuha niya rin ang loob nito.
"Alangang maghintay pa si Gian dito, eh may usapan kami ngayon," tawa ko nalang at nagpaalam na kay Mommy.
"My, alis po muna kami. Pagkatapos nito, may lakad kami nina Ariadne. Manonood kami ng sine," paalam ko at humalik na sa pisngi niya.
Tumango ito, "Gian, kung pwede, pakihatid mo na rin 'to mamaya? Baka gabihin eh," nakangiting baling niya sa kausap. Gian willingly nodded.
"Sure, Tita. Ako na po'ng maghahatid," ngiti nito. Umirap akong muli.
"Sige na, My, una na kami," saad ko at tinignan si Gian na nakatitig sa akin. Itinagilid ko ang ulo, inaaya na siyang umalis. Tumayo siya at nagpaalam na sa pamilya ko.
Pagkaraan no'n ay nakalabas na kami. Nakaparada sa harap namin ang motor niya kung kaya't sumandal muna ako doon at hinarap siya.
"Saan tayo?" tanong ko at umiwas ng tingin. I heard his chuckle. Nilingon ko siya at nakitang may multo ng ngiti sa kanyang labi.
"We'll eat first, twins," aniya at umiling. Sumakay na lang ako sa motor niya at inaya na siyang umalis nang tuluyan.
Ganoon nga ang nangyari. Bago kami lumakad, tinanong niya kung saan ko gustong kumain. Sinagot ko 'yon at sinabing sa isang kainan ng tapsilog sa bayan. He obliged and drove our way. Nang makarating, I insisted to order because he already did it last night. Wala siyang nagawa kundi umupo, dahil binalaan ko siyang iiwan dito. Nagbigay na lang siya ng pera, na tinanggihan ko rin. He paid for my drink last night, at kahit hindi ko iyon naubos dahil sa pag-alis ko, I still paid for his food today because for the past weeks, he treated me.
BINABASA MO ANG
Forgotten (NNS #1) (EDITING)
Ficción GeneralThis is the first installment of No Name Series. Pain. Grief. Anger. Frustration. Who wouldn't feel those if you found out that someone you love, someone very dear and close to you, forgotten no one but you? Who would never be upset if you found out...