Kabanata 7

88 11 2
                                    

Kabanata 7

Déjà vu


"Your condition is called selective amnesia. You happen to forget something traumatic, and even the people who was with you before the accident." saad ng doktor.

Buti at bakante ang doktor na tumingin sa akin. He's name is Dr. Dane Silvero, a physician. He's also an acquaintance because he's twin is Aaron, our late friend. We stayed at his office after we talked about the reason why we went here.

"But Doc, bakit si Gian lang ang nakalimutan ko? As far as I remember, buong barkada naman namin ang kasama ko noon." tanong ko.

"Maybe he's the last one whom you saw before the accident happened." he answered.

"What accident, Doc?" I asked.

He sighed heavily before answering me. "A car accident. You were drunk driving that time and the road was slippery, a trailer truck lost it's break and you let your car hit the tree in order to have less damages." he said straightly.

Nawala ako sa sinasabi niya. 'Yan ang huli kong narinig bago sumobra ang sakit ng ulo ko, mandilim ang paningin, at muli, mawalan ng malay.




Nagising ako sa umaalog na sasakyan. Marahil ay nadaan sa lubak.

"Where are we going?" paos na tanong ko, tuyot ang lalamunan dahil bagong gising.

Dahan dahan, tumigil siya sa gilid ng kalsada.

"So you're awake." aniya sa mababang boses.

"Yes, obviously." sagot ko at umayos ng upo. Tumango siya, hindi mapangalanan ang emosyong nakalapat sa mukha.

"You scared me." aniya, dahilan para maputol ang anumang iniisip ko.

Kunot-noo akong lumingon sa kanya. "What do you mean?" tanong ko.

He sighed, "Dalawang beses ka ng nawalan ng malay habang kasama ako. Dalawang beses mo na akong pinag-aalala. Dalawang beses na akong natakot na baka paggising mo, makalimutan mo ulit ako. Na hindi mo ulit ako makilala, o matingnan man lang."

I felt my heart skipped a beat. Tama siya. Dalawang beses na akong nawawalan ng malay mula kanina nang makasama siya. Dalawang beses ko na siguro siyang naaabala at natatakot. Hindi ko alam kung papaano makabawi sa kanya.

Also, hearing those words from him makes me go crazy. My heart beats faster than usual and I can feel the electrifying nerve that can make me lose my mind. The damn feeling was so familiar, so recognizable, so comfortable.

"I'm sorry." sagot ko.

Tinagilid niya ang kanyang ulo at muli, huminga nang malalim. Hindi ko alam kung para saan 'yon.

"No, it's fine. Don't be sorry. It's not your fault," aniya.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko'y magkakahalong sakit, awa, at takot ang siguradong nararamdaman ko.

Sakit; dahil alam ko at nararamdaman kong nasasaktan ko siya ngayon, alam kong tinatago niya pilit ang nagkukubling hapdi ng hindi sinasadyang paglimot ko sa kanya.


Awa; dahil alam ko din. Alam kong sinisisi niya sa sarili niya ang lahat. Alam kong itinutuon niya ang sisi sa sarili dahil sa aksidente ko.


At higit sa lahat, takot. Takot; dahil baka magsawa siya sa akin. Baka mapagod siya kahihintay na bumalik ang alaala ko. Takot; dahil baka makahanap siya ng iba habang pilit kong inaalala ang parte niya sa buhay ko. Na baka mawalan siya ng pag-asa. Na, baka magising siya isang araw, magising sa katotohanang naghihintay siya ng walang kasiguraduhan sa isang babaeng nakalimutan siya. Natatakot akong malaman na, baka isang araw, maubos na yung pagmamahal niya. Yung pagmamahal niya na kahit nakalimot ako ay nararamdaman ko pa.

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon