Epilogo (1 of 3)

47 1 0
                                    

This is the first part of epilogue. Thank you for making this far. #EpilogoNNS1

Epilogo


I didn't like her the first time I saw her.

Hindi tumigil ang mundo ko noong nakita ko siya. Hindi ako natulala, hindi ako kinabahan sa presensya niya. Ang alam ko lang, naagaw niya ang atensyon ko dahil bago ang mukha niya sa paningin ko. Pero bukod do'n, wala. Wala akong naramdaman.

She's not the noisy type. At first. Alam ko dahil lihim ko siyang pinakikiramdaman. Sapphire is carefree, friendly; but somehow, lonely. She adjusted only for a minute and in a blink of an eye, she's already friends with everyone. Even me. I hated it. And I loved it.

Sa unang dalawang linggo ay lagi niyang kasama si Sheena at Alora tuwing breaktime. She's already comfortable in her new school, and that fact alone made me wanna shout for joy. Just because she's... already comfortable.

It frustrated me for a while. Bakit ako natuwa sa pagiging komportable niya? Oo nga't kaibigan ko siya, pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami ganoon kalapit para ikatuwa ko 'yon. When I tried to think about it, the thought alone made me frustrated even more.

Isang irap lang pala mula sa kaibigang lagi niyang kasama ang gigising sa akin. Seeing that act made me feel like I was the one betrayed. Parang ako 'yong inirapan. And the fact that she didn't saw it made me confused. Kung matutuwa ba ako dahil hindi niya nakita, o maiinis dahil ako ang nakakita kaya ako rin ang makakaramdam ng lungkot para sa kanya hanggang sa araw na maaalala ko 'to. That made me think.

I knew it. She befriended me because she wants to be taken cared of. She wants someone to look over her 'cause right now, she can't face everything alone. O kung hindi man, iyon ang nasa isip ko.

Kasi hindi ko matanggap; na nagawa kong mag-alala nang ganito sa taong hindi ko pa nakakasama nang matagal.


Sapphire:

Merry Christmas!

December 25, 2015, 12:03 a.m.

I don't know but that simple message made me smile. Kasisimula lang ng araw at heto'y binabati na niya ako. Umiling ako at nakangiti pa rin habang nagtitipa ng sagot.

"Gian! Pasko na. Merry Christmas, hoy. Sino ba 'yang katext mo?" tawa ng pinsan kong si Alaric, nakatatandang kapatid ni Arthur. Katabi ko kasi ngayon dahil reunion naming magkakamag-anak. Nakad Tinakpan ko ang screen ng phone at tinampal ang pisngi niya.

"Kaibigan, Ric. Merry Christmas," binulsa ko ang phone at tumayo na. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad para mag-manly hug. Gano'n ang ginawa ko sa iba pa. Sa kabilang dulo ng bakuran ay nakita ko sina Mom at Dad na nakayakap sa isa't-isa. Sa tabi ni Mom ay si Greg at katapat niya ay si Geni, kayakap naman ang isa pa naming pinsan.

I made my way to them and greeted them. Sumampa sa akin si Greg nang makalapit ako. Geni laughed. Umiling naman ako at 'di rin nagtagal. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at ang kambal na sina Maurice at Morris lang ang nandoon. Parehas pang tahimik kung kaya't nilabas ko na lang ang cellphone ko.

I failed to receive a reply. Reunion din ata nila ngayon. I tried to refresh our conversation, but still, no reply. Nagkibit-balikat ako at binati ang iba pa naming kamag-anak na madadaan sa harap ko. 

Nang wala nang madaan ay nilabas kong muli ang phone ko. No new messages. Again. Tinitigan ko 'yon at naputol lang nang kunin ni Alaric ang cellphone ko mula sa likod. Nagulat ako, ngunit agad namang nakabawi. I tried to grab my phone back but he's already reading it with Arthur and the twins. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para kunin 'yon pabalik. Dume-kwatro ako at ipinatong ang magkabilang braso ko sa taas ng dalawang monoblock. 

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon