Pagkatalikod niya'y tuloy-tuloy na tumulo ang luha niya. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi na niya alam kung sino ang sisisihin. Walang malinaw na ebidensya para masabing ang mga Alegre nga ang nag utos para mabaril ang papa niya.
"Manang Brenda, can you please go to the Food zone and order breakfast for all of us? Papunta na ang mga papalit sa mga bodyguards natin, we can eat once they arrive." Iniabot niya ang listahan ng gusto niyang pagkain at ang mga gusto rin ng mga bodyguards nila, inabot din niya ang card niya na kung saan kakaltasin lahat ng oorderin niya.
Dali-dali naman itong sumunod at bumaba para umorder ng pagkain.
Nang dumating nga ang mga kapalitan ng mga nagduty na bodyguards magdamag ay kumain na sila ng sabay-sabay.
"Bumoto muna tayo at bumalik na lang dito." Suhestyon ni Clea ng makarating sa ospital.
"Sino ang maiiwan dito?" Tanong ni Ria habang pinagmamasdan ang ina na hinihilamusan ang ama.
"Ang kuya Gilbert mo muna at si Gil, mas marami din ang bodyguards na pinapunta ko dito, ang iba ay nasa labas." Sagot ng ina nila. Maging si Clea ay pinanunuod lamang ang ina sa ginagawa nito.
"Okay lang ba sayo kuya?" Tanong ni Ria kay Gilbert na ngayon at nagbabalat na ng orange para sa anak.
"Of course, ako muna dito habang wala kayo. By the way, Ria, is it true that you're the replacement for our father?" Nang mabalatan ang prutas ay iniabot nito sa anak ang prutas.
"I have no choice, besides temporary Lang naman kuya. I know that papa will get well in no time." She smiled and everybody nodded and smiled back at her.
"Tara na ma?" Clea asked her mom as soon as she saw that she's done cleaning their father.
"Let's go, Gilbert, alert the nurses and doctors once you saw something that needs to consult with them okay? We're leaving now." Nauna nang lumabas si Clea na sinundan naman ni Ria at nagpahuli naman saglit ang ina nila para sa mga gamot na ipatuturok sa dextrose ng kanilang ama.
Sa barangay Sta.Rita sila nakadistino na bumoto. Matapos ang halos walang katapusang kamayan at ngitian ay nagpaalam na sila sa mga nakasabayang bumoto, iilan dito ay mga kamag-anak at mga tagasuporta nila. Karamihan ay nagtatanong at nangu-ngumusta sa kalagayan ng kanilang padre de pamilya.
"Ma, dumaan muna tayo sa bayan, let's attend the mass." Suhestyon ni Clea ng makasakay na silang pamilya sa van.
"Mang Bert, sa bayan ho muna tayo, sa simbahan." Their mother smiled at them and put on her seatbelt.
"Are you done voting, ma?" Tanong ni Fervs na kakatapos lang bumoto sa kabilang prisinto, katabi ng prisinto ng ina.
Itinaas nito ang hintuturo na may tinta, senyales na nakaboto na ito. Sa barangay Concepcion sila nadistinong bumoto kaya naisipan nila dumiretso na sa bayan ng Cabiao para magsimba.Paglabas ni Felicidad sa pulang vios niya ay siya namang pagbaba ni Marina sa puti nitong van. Nagkatinginan sila saglit, itinuon nalamang ni Marina ang pansin sa mga anak na pababa na rin.
"What a small world huh?" Pagpapatama ni Clea nang malagpasan nila ang pamilya Alegre.
"Stop it, darling, we're at the church let's go inside." Bulong naman ng ina nila Clea at Ria tila sinasaway nito ang panganay.
"I heard the suspect is still wandering, we need to double our security." Dugtong pa nito na sinaway naman ng isang tampal ng ina niya sa kanang braso nito. Itinikom nito ang bibig at nagkasya na lamang sa pagbibigay ng masamang tingin sa pamilya Alegre.
"We're also doing our best to catch the suspect. If you want, we can extend our hands--" Hindi na natapos ni Nathe ang sasabihin dahil pinutol na ni Ria ang sadabihin niya.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
General Fiction#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!