"Nina, Ria, pakabusog kayo ha?" Bilin ni Ares sa kanilang magkaibigan ng magsimula nang maghain ng para sa kanila lamang na mga naging bagong dating.
"Ares, alam mong hindi pagkain ang pinunta ko dito." Ngumisi pa nang nakakaloko si Nina kay Ares na tinawanan naman ng binata.
Siniko naman ni Ria nang marahan si Nina at ngumiti kay Ares na alam niyang nakukuha ang buong litrato na ipinapakita ng kaibigan.
"Thank you for intviting us, even if...you know." Ikinunot niya ang kaniyang kilay at ilong na nakuha naman ni Ares iyon at ngumiti bago sumagot.
"We shouldn't be part of their misunderstanding, its theirs, ours is different you know. Adult things should be delt by adults."
Ngumiti si Ria sa sinagot ng binata.
"I wish our roots think the way we do. Anyway, there are other visitors you should check on, we can manage. Thanks Ares."
"Thanks too, I'll be back."
Tinaasan niya ito ng kilay at ngumiti. At nagpatuloy sa pagpili ng pagkain.
Iisang mesa na lang din ang inihanda para sa kanila. Isang mahabang mesa iyon na kahit labing anim silang huling dumating ay nagkasya pa rin at may espasyo pang natira.
Siya, si Nina, Candy, Kimpoy, Ares, Sidney, Fervs, Maggie, Clyde, Chiena, Leo, Mark, Inia, City at hindi niya kilala ang isang lalake sa dulo dahil Hindi naman niya ito nakikita sa school. O kahit sa mga kampanya at meeting ng mga politiko.
Abala sa pag-e-estima ng bisita si Ares sa kalapit na mesa nila ng tinawag ito ni Nina.
"Thank you Ares, pero nandyan na ba si Nathe?" Medyo nahihiya pa ito dahil nakuha niya ang atensyon ng lahat.
"Kakaalis niya lang daw sabi ni Amie. Hindi na natin naabutan." Medyo ngumiwi pa ito nang makita ang reaksyon ni Nina na parang disappointed.
"Ganoon ba? Ayos lang haha" pilit ang tawang iyon.
"Ano uwi na ba tayo?" Alok niya sa kaibigan.
"Bakit tayo uuwi? Kadrating lang natin no." Inilihis nito ang pagkain at hinarap ang wine sa tabi at pagka-lagok niyon at tinawag nito ang waiter at humingi ng tequila.
Pinanuod niya ito. Imposibleng dahil lang hindi nito nakita si Nathe ay maglalasing na ito.
"Hoy, Hindi mo 'to party." Bulong niya dahil napansin ng mga kasama nila sa hapag ang biglang pagbabago ng mood nito.
"This is a party Ria, let's drink!" Sinaway niya ito. Mahina pa naman ito sa alak. Naka tatlong tequila agad ito. Akma sanang tatayo si Nina nang pabalyang hinila niya ito pabalik sa upuan.
Napalingon siya sa gawi ni Fervs at nakitang nakatitig ito sa kanya. Nailang siya.
Nagulat naman ang lahat nang biglang may narinig na nabasag.
At paglingon niya ay ang kaibigang umiiyak. Ibinalibag nito ang huling flute na hawak.
"What happened?" Nag-aalalang mukha ang nakita ni Ria kay Amie.
"Hey Amie, happy birthday and sorry for the trouble. She's tipsy. Mababa ang tolerance sa alcohol e." Hinging paumanhin niya.
"Thank you, Ria. It's nice seeing you again. Kaso mukhang may pinapastol ka ngayon." Natawa ito dahil humihingi pa rin ng alak ang kaibigan.
"Well broken-hearted 'to.I'm really sorry, let me ask you out sometime." Nginitian niya ito pabalik at kinuha ang shot na iniabot nito mismo.
"Sure, I would love to have a private time with you, I have llots of tea to serve." Natatawang sagot ni Amie.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
Narrativa generale#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!