Hawak ang kwadro ng ama ay napalingon siya sa mahihinang katok mula sa labas ng pinto. Inilapag niya ang kwadro sa mesa at tumikhim.
"Come in." Aniya at umupo sa swivel chair ng ama.
Sumilip lamang ito kaya't sinenyasan niya ito na pumasok, tumalima naman ito.
"Senyorita nandyan po iyong buyer ng mga itlog at gatas."
"Sa tarangkahan ba o nandirito na?"
May kalayuaan kasi ang tarangkahan sa mismong farm at malayu-layo rin naman ang mismong office ng farm.
"Sa tarangkahan po."
"Kindly guide him here and get a cup of coffee for him." Madali naman itong tumango at umalis.
"My deepest condolences to you Ms. Suanzares." Malumanay na kinamayan siya ng matandang kaharap.
Nginitian niya ito ng tipid.
"It's nice to meet you Mr. Cruz. And I want to inform you personally that I'll be the one handling the farm from now on." Marahan niyang hinugot ang kamay mula dito at inilahad ang isa sa mga upuang nasa may harap ng mesa ng kaniyang ama.
Ngumiti naman ito pabalik at ngumiti.
Saglit na napukaw ang kanilang atensyon ng kumatok at marahang pumasok ang serbidora ng kape.
"Thank you." Mahinang bulong ni Mr Cruz sa serbidora na ngumiti lamang pabalik at marahang umalis matapos mailapag ang kape sa may mesita.
"Naipaalam sa akin na ititigil na ang pagpapatakbo ng farm kaya nakipagkasundo na ako sa kalapit na bayan Ria." Malumanay na pagpapaliwanag ng matandang Cruz.
"Naiintindihan ko po, ihihinto ko po ang pabebenta ng mga itlog sa darating na tatlong buwan upang palimliman ang mga ito at maging panibagong mga manok, itik, pabo, at bibe. Hindi ko rin po muna masyadong gagatasan ang mga alagang mammals at nais ko pong maibigay ang sapat na gatas para sa mga anak ng mga ito."
"Paano ang pag-papasahod sa mga tauhan? Sa katunayan ay nais kitang alukin na bibilhin ko ang farm, maging ang karugtong nitong niyugan."
"Mr. Cruz, Hindi ho namin ibinebenta ang farm. Balak ko pong palakihin ito. At Kung usapang pera naman po para sa mga trabahador ay kami na ho ang bahala doon. I am willing to get from my own pockets. Muli ko ho kayong iimbitahan o sasadyain ko po kayo sa opisina ninyo upang alukin ng mga produkto namin kapag handa na muli ang farm." Nginitian niya ang matanda na tumayo na sa kinauupuan nito.
"Hindi na ako magtatagal pa kung ganoon.Tingin ko ay willing kang maglabas ng malaking pera sa pagpapalaki ng farm, good luck iha. Sa edad mong iyan ay paniguradong aasenso kayong lalo kahit yumao na ang iyong ama."
Kinamayan niyang muli ang matanda at tipid na ngunitian ito. Hindi naman ito nagtagal pa at tumulak na ito paalis.Now that she's graduating on the course that she really want, which is business major in marketing, balak niyang palakihin ang farm, hindi dahil naghihirap na sila. Of course it will also serve as means of earning money, she wants to provide enough money for the investigation of his father's death. She doesn't want revenge. She wants justice.
"Mang Manuel, pwede po bang pakisabihan ang mga tao sa paitlugan na ang mga inahin ay isama sa mga lalakeng manok upang mapalimliman ang three fourths ng pangkalahatang bilang ng bawat klase ng itlog. Ang sangkapat ay ibebenta natin sabay ng mga itlog bukas. Sa twing ikalawang araw po tayo mag di-deliver sa palengke at sa kabilang bayan. Ang gatas naman po ay nais kong maipasuso sa mga anak ng mga hayop. Sapat at kung may lumabis po ay nais kong ipamahagi sa mga manggagawa natin dahil hindi naman po sasapat iyon para makabenta tayo ng malaki sa gatas na labis lamang."
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
General Fiction#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!