Pagpasok niya sa bahay ay tahimik na at nakapatay na rin ang mga chandeliers. Tanging ang mga dim lights nalang ang nakasindi.
Ganumpaman, sinubukan ni Ria na tingnan ang silid ng mga magulang, gising pa ang mga ito at mukhang nagtatalo.
"Kawawa ang mga baka at kalabaw na lubos na nauubos ang gatas at wala na para sa mga anak ng mga ito, Romualdo." Si Marina iyon.
"Hindi ako nagpaparami ng alaga, Marina. Ibinebenta natin ang gatas at hindi sapat kung ang normal lang na inilalabas nila ang kukunin." Sa mababang boses ay dinig parin ang iritasyon sa tinig ng ama.
"May ibang paraan para kumita ng mas malaki Romualdo." Nag aalala ang tinig ng kaniyang ina.
"Hindi ba't isinangguni ko sa iyo na mag second crop tayo matapos ang anihan?" Sagot ng ama ni Ria.
"Romualdo naman, mauubos ang sustansya ng lupa at pangit din ang aanihin. Sayang ang pagod ng mga tao at sayang ang mga aanihin at ang pera. sayang. Bakit ba kasi nag invest ka sa business ni Vice e alam mong illegal iyon, nasayang tuloy ang tatlong milyon." Malumanay na paliwanag ng ina.
Kumatok na siya ng tumahimik saglit ang mga ito. Ayaw na niyang marinig ang pagtatalo ng kaniyang mga magulang.
"Ma, Pa, I'm home. I'll go straight to my room if you're already sleeping. Goodnight." Hindi na niya hinintay pa kung sasagot ang mga ito. Pagod na siya.
Dahil kahit anong tago ng mga ito sa pag-aaway nila ay nalalaman din naman niya. Kahit anong lihim nila na ayos ang pamilya ay alam niyang hindi. Pera ang kadalasang rason ng pagtatalo ng kaniyang magulang. Gusto kasi ng kaniyang ama ay easy money, last year ay nalugi rin sila ng anim na milyon sa kanilang saka dahil sa tatlong magkakasunod na bagyo na siyang dahilan ng pagbaha, nalunod ang ekta-ektaryang palay na aanihin na sana nila, nagbibilang na lamang sila ng ilang linggo.
Hindi siya agad nakatulog dahil sa halik na nangyari kanina at dumagdag pa ang alalahanin niya sa pamilya.
The following weeks are like the usual. Irregular classes and just playing of balls.
Naging issue rin ang madalas na paglapit ni Fervs sa kanya. Pero binabalewala niya na lamang ang mga sabi-sabi ng iba. Walang sila kaya hindi siya dapat ma-apektuhan. Mahilig lang talagang gumawa ng usapin ang mga estudyante, ano lamang iyon ay pinalalaki upang may mapag-usapan.
"Kumusta ang laro?" Hindi pinansin ni Ria si Fervs na katatapos lang maglaro ng basketball. Sumunod ito sa kanya na nagpa-irita sa kanya.
Ria played volleyball, sabay sabay ang laro kaya hindi siya napanuod ni Fervs at hindi rin niya napanuod ang ibang mga laro.
"Hey, Ria? How's your game? In basketball, we won." Tinaasan lamang siya ng kilay ni Ria.
"Ang mayabang na nilalang." Bulong ng utak ni Ria.
"Pauwi ka na ba?" Tila ba hindi ito marunong mainis sa silent response niya. Kaya sumagot na siya sa huling tanong na iyon ni Fervs.
"Why do you keep on asking me things that are so obvious? For sure you heard already who won in all of the games. And as you can see, I'm walking towards the gate so probably I'm on my way home." Irita niyang ibinato dito ang tumbler niya na walang laman na nasalo naman nito.
Nagmadali na siyang lumabas sa gate at nakita ang mga nag mi-miryendang mga kaibigan sa malapit na café. Pinuntahan niya ang mga ito.
"Hey Ria! Congrats!" It's cath. Naka nuod kasi ang mga ito sa laro nila. Nanalo sila over all. Gaya nila Fervs. Kaya marketing department ang nakakuha ng pinaka malaking gold medal. Over all Champion kasi.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
General Fiction#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!