"Asan na sina Nina?" Tanong niya kay Fervs, pagkatapos mapansing wala ito sa paligid.
"Kasama ni Nathe. Malaki na 'yon." Saad nito at inalok siya ng upuan.
"Hoy love birds! Likayo dito!" Sigaw ni Ares sa kanila. Na nakaupo na sa harap ng apoy na kanina'y akala nilang hindi magtatagal.
Nakapalibot dito ang mga bisita na may kani-kaniyang baso at tanggero naman si Clyde. Sa tabi nito ay ang kadarating lang na si Kai kasama si Maggie. Masama ang tingin nito sa kanya kaya nginitian niya pa ito at kita niya ang lalong pagka-inis ng dalaga.
"Leo, pre pahingi pa nga ng limang shot glass!" Sigaw ni Clyde sa papalabas na sa cottage na si Leo na bumalik ulit para kumuha ng karagdagang baso.
Pinagpag muna ni Fervs ang uupuan niyang parte ng malaking sarong.
Lumulubog na ang araw at tumatahimik na ang paligid. Umupo siya at pinagdikit ang mga tuhod. Indian seat naman ang upo ni Fervs na nasa kanang gilid niya. Sa kaliwa niya ay si Bless na malungkot ang itsura. Kausap nito ang modelong si mark na nakatrabaho niya. Paminsan-minsa'y nililingon nito si Clyde na masayang nagbibigay ng alak sa lahat.
Ihinilig ni Kai ang ulo sa braso ni Clyde at nakita niyang napatitig si Bless at nahuli ni Clyde ang titig ni Bless. Mabilis na ibinaling ni Bless sa katabi ang tingin. Napailing si Ria at tinungga ang shot na kanina pa nailapag sa harap niya.
"Since party naman namin ni kuya ito, let us play!" Masiglang tumayo pa si Amie at itinaas ang shot glass.
"Tara tara, anong laro ba yan?" Sagot ni Sidney na namumula na ang pisngi.
Umupo na si Amie dahil nakuha na niya ang atensyon ng lahat.
"Truth or dare, pero may twist!" Umayos pa ito ng upo at nagpatuloy.
"If you don't want to answer the truth, you have to drink three shots of beer. If you don't want to do the dare you have to strip a piece of cloth or any accessory you are wearing and drink 1 shot of vodka. Clear?" Masiglang paliwanag nito.
"Game!" Masayang sagot ng halos lahat.
"That's exciting!" sigaw ng iilan.
"We need a bottle kuya!" Sigaw nito kay Ares na agad namang kumuha ng bote.
"Lipat tayo guys, naka gitna yung apoy e." Sumunod naman ang lahat at inayos ang mga sarong, baso at mga alak.
"Okay, ayos na ba lahat? Nina, Nathe! Likayo dito, kayo nalang kulang." Nag adjust naman ang malaking bilog at binigyan sila ng pwesto. Inulit ni Amie ang rules at tinanong ang lahat kung ready na ba sila.
"So since we are all ready, I will spin the bottle now." Sinimula na ni Amie na paikutin ang bote at huminto ito sa tapat ni Candy. Sumigaw naman ang lahat at nakatitig lamang kay Candy.
"Okay, truth or dare?" Tanong ni Amie na halatang excited sa isasagot ng kaibigan.
"Truth! Para madali!" Nakangiting sagot nito.
"Madali ah, okay, Sinong mas magaling para sayo, si Mark o si Leo?" Natigil ang lahat ng mga lalake sa tanong ni Amie dahil parehong nandoon ang ex ni Candy, ang mga babae naman ay tumitili at nagbibigay pa ng suhestyon.
"Oh madali lang yan! Guys game lang to, pwede naman siyang mag 3 shots of beer!" Defensive na paliwanag ni Amie.
"Okay! Pahingi ng 3 shots Clyde." Sagot ni Candy.
"Ay play safe! Sino kaya? At bakit di masagot? Ano bang field kasi Amie? HAHAHA Saan magaling?" Singit ni Sidney.
"That's fine baka naman parehong magaling." Singit din ni Kai.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
Fiksi Umum#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!