"Nicolette" Walang ganang binasa ni Ria ang pangalan ng tumatawag. Tiningnan niya si Fervs at hindi naman ito nagulat sa pangalan ng tumatawag, inaasahan siguro niya ang tawag nito kung ganon.
Lumingon nang bahagya si Fervs at ibinalik ding muli ang atensyon sa daan.
"Pakisagot at paki-loud speaker na rin. Thank you." Simpleng saad nito.
Sinunod naman ni Ria ang inutos ng binata.
"Oh, hi Fervs! Wala ka raw sa bahay? Nasaan ka?" Masiglang bungad ng nasa kabilang linya.
"If it's not important you can call me later, I'm in the middle of an urgent matter. I'm sorry, but do not call me today and if I have time I'll call you back." Diretsahang saad ni Fervs at hindi na hinintay pa ang sagot ni Nicolette. Si Fervs na mismo ang pumatay sa tawag at ibinalik ang focus sa daan.
Do not call today so bukas pwede na, anyway wala na siyang pake do'n pero bakit pa siya nag-iisip? Hays ewan.
Nang mag over take ang puting Honda ay siyang hudyat ng pag overtake rin ni Fervs.
"Sino 'yon?" Kinakabahang tanong ni Ria habang nililingon ang likod.
"Wala lang 'yan, bumagal kasi ang takbo ko kanina kaya nainip siguro. No one knows about our plan. This is a secret operation remember?" Nawala ang kaba niya sa sinabi ni Fervs.
"Sorry, medyo paranoid lang siguro." Aniya, tumango naman ito at ibinalik ang buong atensyon sa mga sasakyan na dapat sundan para sa operasyon.
Naglikuan na sa kanya-kanyang ruta ang mga sasakyan ng mga detectives at iba pang kasama sa operation.
Ang iba ay nag patuloy sa national road habang ang iba ay sa may irrigation dumaan.
"Bakit tayo sa main road dumaan? Akala ko bang sa rough road tayo?" Tanong ni Ria.
"Back up lang tayo. Nasa huli tayo kaya pagdating natin ay patapos na ang operation." Saad nito at iniliko na sa may iskinita patungong farm ang sasakyan, ito na siguro ang rough road na pinaghandaan ng kaniyang Ford F-350.
Hindi pa tanaw nila Ria ang farm ay dinig na niya ang putukan.
"Nagsisimula na ba? Paano ang mga tao sa farm? Bakit nagpapaputok na sila? Malayu-layo pa tayo ah. Bakit di ka tinawagan?" Tanong ni Ria na balisa dahil hindi niya alam kung nasunod ba ang plano o hindi.
"We planned it well. This means that the plan is on going." Nagulat pa si Ria ng biglang ihinto ni Fervs ang sasakyan sa gitna ng dalawang punong kawayan.
"Bakit? Malayo pa tayo sa Farm a! at ang mga tao sa farm ang mga trabahador!" Medyo napasigaw pa si Ria at pilit na tinatanaw ang farm na hangga ngayon ay hindi matigil ang putukan.
"Let's wait here, delikado kung lalapit pa tayo." Saad nito habang nagtitipa sa cellphone ng kung ano.
"Wait here? Paano ang mga tao sa farm? Paano kapag nakatakas si Vice?" Tanong ni Ria na nagpangiti kay Fervs na ikinainis niya lalo.
"Dadaan dito sasakyan niya or isa sa mga rutang maaaring madaanan na ngayon ay tulad natin, may nag-aabang na rin. Kung akala mo na wala tayong ginagawa para mahuli si Vice, nagkakamali ka. We are actually waiting for him if ever he will try to escape from the detectives and police there in the farm." Paliwanag nito habang nakatingin sa daang maaaring daanan nga ng sasakyan ni Vice Mayor Ronquillo at hindi rin nito pinatay ang makina ng sasakyan at ang hawak nito sa manibela ay nanatili.
Sasagot pa sana si Ria nang malakas na mag ring ang cellphone ni Fervs.
"Sergeant Major Kim, any update?" Tanong kaagad ni Fervs pagkasagot sa tawag.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
General Fiction#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!