Chapter 21

99 31 0
                                    

"Ria? Ria?" mahinang sigaw ni Marina, hinahanap ang anak.

"Nasa banyo po ako ma." Sagot naman ni Ria sa kanyang ina. Ilang minuto lang ay lumabas na rin siya ng banyo.

Hawak pa ni Ria ang towel na ipinupunas sa buhok niya nang hinarap niya ang kaniyang ina.

"Nakausap ko na po si Mang manuel tungkol sa nangyari kagabi, apat sa bodyguards ang patay at lima ang nasugatan. I called Gino and asked for help."

Napabalikwas ang kanyang ina sa impormasyong ibinalita niya.

"Apat ang patay?! Sino-sino raw ang mga namatay?!" gulat na tanong ni Marina sa anak.

"Hindi pa makilala yung dalawa kasi po sobrang nasunog. Si mang Emil at kuya Marty po ang dalwa pa." malungkot na balita ni Ria sa ina.

"kumusta ang mga tao sa bahay? Sina ate sally po kumusta?" nag-aalala pa ring tanong ng ina ni Ria.

"Pinasok po ang bahay pero wala si Vice. At nang mapag alaman ng mga tauhan ni Vice Mayor Ronquillo na wala po tayo sa bahay ay umalis rin naman daw po agad. Tumawag naman na po ako kay Gino at galing na siya sa bahay at sa pinagsabugan ng mga sasakyan. Nakapag imbestiga na po sila kung sino ang mga nabayarang bodyguards para magpasabog at magmanman, nakatakas po sila ma'am, dalawa po sila. Si Saldy at Juan po iyong may anak pong naka confine."

"Who's Gino? Is he someone we can trust?" tanong ni Marina sa anak.

"A detective and a private agent. And yes ma, he is trustworthy. I know him." Maiksing sagot ni Ria at humigop sa kaniyang kape.

"How did you know him?" muling tanong ng ina ni Ria.

"Politics. And we've met when papa once told me to date him. He's older than me." Sagot ni Ria. Tumango lamang ang ina na tanda ng pag-sangayon nito.

"Nag date kayo no'n? Ni hindi ko naman kilala 'yon ah." Agad namang sumagot si Ria.

"Ma, nakilala ko siya dahil kay papa, ipinakilala niya sa akin noong pumunta kaming regional trial court noong first year college pa 'ko. He said we should date but we never dated each other. Hindi ko po type si Gino at alam kong di rin niya ako type."

"How sure you are na hindi ka niya type? Ang ganda kaya ng anak ko para tanggihan." Tila ba gandang ganda talaga sa kaniya ang kaniyang ina.

"ma" banta ni Ria para tumigil na ito.

"Tutulong naman daw ba 'yang si Gino?" seryoso na ito nang balingan siya.

"Nandoon na nga siya sa crime scene at galing na rin sa bahay natin. Nakapag imbestiga na rin po siya ma, And Gino's dad and gino are papa's friend. I know he will help, a lot." Tumango lamang ang kaniyang ina sa kaniyang sagot.

Ang saglit na katahimikan ay binasag ng mahihinang katok. Tumayo si Ria at pinagbuksan ang kumakatok.
Bahagya pang nagulat si Ria ng makitang si Fervs pala ang kumatok.

"Pasok ka." Saad ni Ria.

Huminto yata ang oras nang malanghap niya ang panlalaking pabango ni Fervs. Bagong ligo ito at napakalinis at gwapong tingnan sa simpleng putting V-neck T-shirt na hakab sa katawan nito, sinundan ng kaniyang mga mata ang mahahabang binti na nagtatago sa faded blue jeans nito. Mamasa masa pa ang buhok nito na nagpakita ng natural na haba ng medyo wavy nitong buhok. Nagising lamang si Ria sa kaniyang mulat na pananaginip nang sumagot si Fervs.

"Hindi na, handa na ang almusal tayo na sa mesa, asan si tita?" tumanaw ito nang bahagya sa loob at nang makita ang ina ni Ria ay bahagya siyang ngumiti.

"Tayo na po sa hapag. Nakahanda na po ang almusal." Yaya nito sa ina ni Ria.

"Ma, tumayo ka na riyan nakakahiya sa parents ni Fervs at baka naghihintay na sila." Bahagya pang nilakihan ni Ria ng mata ang ina na agad din namang tumayo.

A Letter of PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon