Natakot yata kay Fervs ang driver ng Raider na agad namang huminto at lumapit sa kanila.
"Ma'am are you okay? Sorry, hindi ko kasi napansin na patawid kayo." Still in shock, Ria failed to respond.
"Sorry? Paano kung nasagasaan mo nga ang girlfriend ko?" Bulyaw ni Fervs na nagpagising rin kay Ria. Ang kawawang driver ay napatalon pa sa takot.
"Sorry lang po ang kaya kong ibigay at hinihingi na rin. Mag-iingat na po ako sa susunod ma'am, sir. Nagmamadali po kasi ako." Nanginginig pa ang labi nito habang nagpapaliwanag.
"Okay naman po ako kuya. Sige na, at baka mahuli ka pa sa sinsabi mong pinagmamadalian mo. Mag-iingat po kayo." Singit ni Ria na nagpagaan ng kapaligiran. Agad namang tumalima ang lalake at umalis.
"What? Gano'n na lang 'yon?" Iritang tanong ni fervs sa malalim na tinig.
"Am I hurt? I am complety fine, Fervs." Inilahad pa ni Ria sa hangin ang magkabilang kamay sa hangin upang patunayan na ayos nga lang siya.
"Tss" sagot ni Fervs na halatang iritado na.
"And correction, I'm not your girlfriend." May diin sa bawat salita niya na nagpatulala kay fervs. Inunahan na niya itong tumawid at dumeretso na sa gilid ng munisipyo kung na saan ang police station.
"Yet" sagot ni Fervs nang makabawi at hinabol ang lakad ng dalaga na ilang hakbang lamang niya.
Umakto si Ria na tila walang narinig. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang makalapit sa information desk.
"I'm Maria Unilah Suanzares-" pinutol agad si Ria ng nagngangalang Karina ayon sa pangalang naka burda sa polo shirt nito na kulay royal blue na may tatak at logo ng Nueva Ecija Police.
"Y-yes ma'am, we've b-been told that you will come today. Sha-sh-shhall I guide you to the interrogation room?" Halatang kinakabahan ito, hindi niya alam kung dahil sa prinsensya ba ni Ria o dahil sa binatang kasama na nagmamasid lamang. Maybe the latter.
"Regarding the case of my father's death. Does Vice Mayor-" pinutol muli siya ng police woman na ngayon ay paikot na para lapitan siya.
"Siya nga po ang nasa interrogation room, ma'am." Tila nahiya pa ito at yumuko. Nakita kasi nito ang pagguhit ng iritasyon sa mukha ni Ria.
"Lead the way, please." Mataray na saad ni Ria. Agad naman itong tumalima.
Nang nasa kalagitnaan na sila ng pasilyo ay huminto ito at bahagyang lumingon sa likuran ni Ria.
"Anything wrong?" Tanong ni Ria.
"Ah-eh kasama niyo po ba si sir?" Ngumiti pa ito kay Fervs at kumaway ng bahagya, sumayaw pa ang mga daliri nito sa ere.
Hindi na napigilan ni Ria na maipakita ang iritasyon sa police officer na halata namang gustong gusto si Fervs.
"No, maybe he wants something or need something, why don't you accommodate him?." Sagot ni Ria na nagpakunot sa noo ni Fervs.
"Ah sir, you can wait on the information desk po, hatid ko lang si ma'am Maria Unilah sa interrogation room." Mahinhing saad nito na matamis pa ang ngiti kay Fervs.
"Well, actually, I am her boyfriend, just LQ. You know couple things." Bulong na sagot ni Fervs sa police officer na umabot naman sa pandinig ni Ria.
"Ay ganoon po ba? Ano pong pinag-awayan ninyo sir?" Tanong muli ng Police officer.
Ugh this woman!
"You can be the reason if you want." Mataray na sagot ni Ria na nagpa-tikom sa bibig ng police officer na ngayon ay diretso na ang lakad.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
Fiction générale#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!