"Saan tayo kakain?" Tanong ni Ria habang papasok sa sasakyan nh binata.
"Sa la cafè nalang." Simpleng sagot nito at binuhay na ang makina ng sasakyan.
"Pwede bang pahatid nalang ako sa bahay? Susunduin ko pa kasi si mama." Binalingan lang siya saglit ng binata at muling ibinalik sa daan ang tingin.
"Kasama niya ang pamilya ng ate mo sa bahay niyo." Simpleng sagot nito.
"Huh? Paanong alam mo at ako hindi?" Inis na tanong niya habang nagtitipa sa sariling cellphone.
Tahimik lang na nagpatuloy si Fervs sa pagmamaneho.
"Hello, ma?" Bungad ni Ria.
"O, pauwi ka na ba?" Tanong ng ina sa kabilang linya.
"Nasaan ka po ma?" Binalewala niya ang tanong ng ina.
"Nasa bahay na kasama ang pamilya ng ate mo. Kakadating lang namin, mga mag iisang oras na. Ikaw pauwi ka na ba?" Tanong nito.
"Kakain po muna sa bayan. Sino po nagsundo sa inyo?" Tanong niyang muli.
"Si Gino, inutos daw ni Fervs. Yung boyfriend mo talaga na 'yon ano? Napakabait." Sagot nito.
"Ma, hindi ko po boyfriend 'yon." Sagot niya na nagpabaling sa binata saglit sa kanya.
"Si Fervs? Di pa ba nak?" Sinundan pa ng tawa ang linya ng ina ni Ria.
"Sige na po, pauwi na rin ako kakain lang po." Pinatay na niya matapos magapaalam na rin ang ina na tila natutuwa pa sa pang-iinis sa kanya.
Inabot niya ang first aid kit mula sa backseat at kinalong ito.
"Fervs pakihinto na muna sa may gilid ang sasakyan mo." Nilingon siya nito at nagtaas ng kilay. Inihinto namn nito ng may makitang parking space.
Nagtataka ito ng makita na binuksan niya ng first aid kit.
"May masakit bas a iyo?" Tanong nito at chineck siya sa magkabilang braso. Umiling siya at kinuha ang kanang kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso.
"Oh, 'di naman na kailangan, galos lang iyan." Hindi siya kumibo at nilinis ang sugat nito at nilagyan ng betadine pagkatapos ay nilagyan niya ng bandaid na hindi naman natakpana ng buong sugat.
"Palitan ko ba ng gasa?" tanong ni Ria, pag angat niya ng tingin ditto ay nakatitg ito sa kanya at nkangiti.
Hindi ito sumagot, napatingin si Ria sa kanilang kamay nang pagyakapin nito ang mga daliri ng kanilang mga kamay. Nahiya siya ng kumalam ang kaniyang tiyan, natawa si Fervs at kinalas ang kanilang pagkakahawak at nagsalita.
"Kumain na nga tayo, nagrereklamo na mga alaga mo." Yumuko siya at natawa
Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
Nasa parking na sila nang tumunog naman bigla ang cellphone ng binata na nasa dashboard. At dahil nasa dashboard lamang ay nabasa niya ang pangalan ng tumatawag.
"Nicolette" wala sa sariling nabasa niya.
Sakto namang na-ipark na ng binata ang sasakyan at pinatay na ang makina. Dinampot nito ang cellphone at sinagot. Paikot na sana ang binata para pagbuksan siya ngunit hindi na niya hinintay, bumaba na siya.
"Saan?" Napalingon si Ria sa sagot na patanong ni Fervs sa kausap.
Pumasok na si Ria sa resto at naghanap ng mauupuan. Napabaling siya sa may gawing counter kung saan nakita niyang nanduroon si Nathe at Nina.
Napakunot noo siya at nilingon si Fervs na may kausap pa rin sa cellphone nito.
Napili niya ang table kalapit ng sa kinaroroonan ni Nathe at ng kaniyang kaibigan. Lumapit ang waiter at binigyan siya ng menu, saktong paalis ang waiter nang maupo si Fervs sa kanyang tapat na upuan sa napiling table. Naka talikod sa kinaroroonan ng kapatid.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
General Fiction#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!