"Señorita!" Ikatlong balik na iyon ni manang sally sa pinto ni Ria upang pababain ang dalaga.
"Patapos nako mag ayos manang, pababa na ho." Dinampot ni Ria ang Ipad at inilagay sa tabi ng laptop at isinara ang bag nito.
"Bakit ho ba manang? Doon na ho ako mag-be-breakfast sa farm at maaga ang meeting ko." Isinara na niya ang pinto ng kwarto at hinarap ang isa sa pinakamatagal na nilang kasambahay.
"Ah e may parcel po kasi at kailangan daw na kayo ang tumanggap at pumirma." Inayos nito ang manipis na kuwelyo ng kanyang brown leather jacket na ipinares niya sa isang cream sweet heart top na may ash blue lining.
"Nasaan ho ba ang delivery man?" Tanong niya habang inaayos nito ang kanyang kuwelyo.
"Ayaw nga hong pumasok, nasa main gate señorita." Sagot nito at ngumiti matapos pasadahan ang kaniyang outfit. Tinernohan kasi niya ang pang ibabaw ng faded blue maong shorts at ankle cut wellington leather boots. Inulugay din niya ang kaniyang buhok na may nakaipit na dalawang gold clips sa kanang bahagi sa may bandang tainga.
"Puntahan ko nalang manang, lalabas na rin naman ho ako, magpapaalam lang kay mama. Bye manang." Ngumiti naman ito matapos ay tumangu tango at umatras na.
Nadatnan niya sa balkonahe na nagtsa-tsaa ang ina.
"Ma, sa farm na ho ako mag aalmusal at may meeting ako ng maaga." Hinalikan niya ito sa pisngi at akma ng baba ng hagdan.
"That early? Anyway, may parcel daw at ang kulit, ayaw ibigay sa akin, ikaw daw ang dapat kumuha." Tumango naman siya at nagpaalam na. Tinungo na niya ang parking lot nila na sa ilalim ng balkonahe at sinakyan ang kanyang pulang vios.
"Good morning ma'am, may parcel ho kayo sa main gate, nakupo ho sa waiting area." Nakangiting pinindot nito ang remote control para bumukas ang ikalawang gate bago sa main gate.
"Good morning po, salamat ho, puntahan ko na." Ngiti niya at tinungo na ang main gate. Agad naman niyang nakita ang lalakeng nakaupo sa waiting area na may dala dalang isang basket ng violet orchids at dark red roses. Ang pangit naman ng combination. Singit ng utak niya.
"Good morning, I heard that the sender wants me to get the flowers myself, I am Ria." Aniya pagkababa sa kotse.
"Good morning ma'am, oho, e yun po ang bilin." Nagkamot pa ito ng ulo habang iniaabot ang bulaklak at ang recieving recipt.
Pinirmahan niya agad ito at tinanggap ang bulaklak na may nakaipit na letter.
"Meet me at the Alegre Corp. 25th floor, 9:00 pm. -Fervs Antonious" iyon ang naka saad sa sulat.
May pa meet me, meet me pang nalalaman, 'di man lang nagpatulong sa pag co-combine ng type and color of fowers. Bulong niya habang nakangiting bumabalik sa sasakyan. Inilagay niya sa backseat ang mga bulaklak at nagpasalamat sa guard bago tumulak papuntang farm.
"Good morning everyone!" Bati niya pagbaba sa kotse.
"Uy good na good ang mood ni señorita ah." Kantiyaw ni mang manuel na nagpaikom sa kurba sa kaniyang labi.
Bakit nga ba kasi? Tanong ng isip niya.
Edi malamang dahil sa bulaklak na pangit ang combination pero nagpapakilig sa kanya.
"Good morning mang manuel!" Bati niyang muli at nilagpasan na ito. Isinasayaw pa niya sa hangin ang basket ng bulaklak na dala.
"Ms. Reyes, kindly tell Ms. Ari to get me a coffee before she go to the conference room." Utos niya sa front desk clerk na nadatnang nag baba na ng teleponong hawak.
BINABASA MO ANG
A Letter of Promise
General Fiction#1 Alegre Series (Not edited) There are lots of errors, please be more understanding. Thanks!