2 Corinthians 8:21
For we are taking pains to do what is right not only in the eyes of the Lord but also in the eyes of man.Note: Chapter contains words not suitable for young readers. Read responsibly.
*
AGA
Maayos pa kaming nag-usap kaninang hapon. Hindi na siya ulit tumawag after we talked for like 3 hours. I did not bother calling her kasi inisip ko, baka busy siya o baka nakatulog.
Uuwi na ako bukas. And the first thing I want to do when I get home is hug my wife. Pakiramdam ko isang taon kaming hindi nagkita after she lost our baby. Naramdaman ko 'yong pag-layo ng loob niya sa akin. I sent her flowers at her work noon, minsan, nagi-iwan pa ako ng letter bago ako umalis for work every day. I also send her messages before we start the day pero none of them worked.
Hanggang sa isang gabi, she called me. It broke my heart into pieces when I heard her crying. I didn't ask her what happened, basta, sinundo ko siya. Asawa ko 'yon, eh. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.
The moment she saw me, she threw herself for a hug. Instead of telling me what happened, she apologized. I knew she was tired kaya hindi ko na siya tinanong kung bakit siya umiiyak at kung bakit siya nags-sorry. Marami pa namang araw para pag-usapan namin 'yong problema.
Lumabas ako saglit sa hotel room namin saka ako nag-ikot sa hotel. Hindi pa ako makatulog. Parang may pumipigil sa akin na matulog. Hindi ko alam kung ano.
When I reached the lobby, I saw Red. Bihira na kaming mag-usap ngayon. Simula no'ng nakunan si Lea, nilayuan niya ako. Kasi sinisi niya 'yong sarili niya sa nangyari. Sabi niya sa akin, siya 'yong dahilan kung bakit nakunan si Lea at kung bakit madalas kaming nag-aaway.
Pinagselosan siya ng asawa ko. Sige, totoo naman. Maganda si Red. She could make men's head turn whenever she walks. But she couldn't make mine turn. Only my wife could do that to me. Iniisip ko nga, baka ginayuma 'ko no'n kaya ganito ako ka-inlove sa kanya. Naku. Malaman ko lang talaga... papagayuma ulit ako.
I walked towards her and smiled, "Bakit nandito ka pa?"
"I can't sleep," she replied, "Ikaw?"
"Hindi rin ako makatulog, eh."
"It's 10, maaga pa."
Bukas na 'yong uwi namin. The last part of the convention ended at 6 in the afternoon. Hindi naman ako na-bore because I learned a lot, "Siguro naman, after this, makakapag-tayo na tayo ng ibang branch?"
"Wow, ang taas ng lipad mo. Huwag kang ganyan! Baka may pumutol ng pakpak mo," Red giggled.
I shook my head, "Biro lang."
"Kumusta na kayo?" she suddenly asked me.
I beamed at her, "Umo-okay na."
"I'm glad. Kasi kung hindi pa, ip-pull out ko na 'yong shares ko para hindi na siya mag-selos. Dapat kasi, sinabi mo sa kanya na hindi naman kita type para hindi siya nag-selos sa akin."
I laughed at her remark. Hindi naman talaga kami nagka-gusto ni Red sa isa't-isa. We were classmates in college. Dati, pinanlalaban nila kami sa mga contests and some even teased us pero wala silang nagawa. We don't match. Hindi talaga.
Siguro kasi, makapal 'yong red string na naka-kabit sa amin ni Lea kaya gano'n.
Biro lang. Nalihis nga pala ako ng landas kaya I married Vivian. And speaking of Vivian, the last time I heard, pumunta na siya ng America. Good to hear. Para makalanghap naman siya ng ibang hangin. At makatagpo ng lalaking para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/154297741-288-k27589.jpg)
BINABASA MO ANG
MARAHUYO
Fanfictionadj. to be enchanted. Does enchantment last as long as love does?