HISTORY

4.9K 92 9
                                    

Tormented Past,
Blossoming Present and Trivial Future
~•~

=> MUNDO NG HEXERIA
{1,020 years ago}

Noong unang panahon ang mundo ng mga tao at mundo ng mahika ay iisa lamang. Matiwasay na namumuhay at nagkakaisa sa iisang lupain na may iisang tunguhin—kapayapaan—ito ay pinamumunuan ng iisang hari na si Haring Chronos Del Vallé.

Ang lahat ay nanatiling maayos, nagkakaisa at payapa. Mayroon silang sinasamba na dalawang diyos/a. Ang diyos ng Buhay,Narwan at ang diyosa ng Kamatayan,Thalya. Silang dalawa rin ang nagpapanatili sa balanse ng mundong ito. Subalit,kabilang lamang sila sa iilan pang mga diyos at diyosa sa kalangitan.

Nang lumipas ang mga taon, ay nagsimulang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga mortal at mga salamankero.
Umangat ang usaping mas pinapaboran ng hari ang mga kalahi niya—ang mga salamankero—kaysa sa mga mortal. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng pag-aalsa, sa kauna-unahang pagkakataon...naging magulo ang Hexeria.

"Nais naming maibalik ang aming mga lupain!"

"Mga sakim!"

"Mga abusado! Mga makapangyarihang nilalang na umaasa lang sa mga kapangyariha't mga kakayanan nila!"

"Hindi kayo patas!"

Sumiklab ang sigalot, 'di nagtagal ay nagkaroon ng digmaan. Dumanak ang dugo ng mga mortal sa lupain ng Hexeria, lalo't wala silang laban sa mga salamankero (mages) ,ang dating paraiso ng Hexeria noo'y naging tila mundong binuhusan ng dugo't kamatayan.

Dahil sa nasaksihang ito nina Thalya at Narwan, nagdesisyon silang paghiwalayin ang mundo ng mahika at ang mundo ng mga mortal. Inalis rin nila ang alaala ng mga mortal patungkol sa mundong ito,ngunit magpahanggang ngayo'y hindi ito tuluyang nabura sa kanilang isipan bagkus ay nanatili sa paniniwalang kathang-isip ang mga ito.

Matapos ang paghihiwalay na naganap, inakala ng diyos at diyosa na tapos na ang problema ng inggit na pinasiklab ng mga mortal, ang sumunod naman ay ang digmaan ng kasakiman. Dahil dito'y muling hinati ang Hexeria sa dalawang pangunahing kaharian ang Helszia, kaharian ng dilim at Algoria ang kaharian ng liwanag. Ang mga kalaban ng kaharian ay pinatapon sa Helszia. Dito nagsimula ang kategoryang mabuti at masama sa dalawang kahariang pinagdurugtong ng isang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat.

Dugo ng isang Hexerian.

Kahit na magkaiba sila ng mga paniniwala't pamamaraan.

Pagkatapos ng unang hakbang ay gumawa sina Thalya at Narwan,kasama ang diyos at diyosa ng Paggawa at ng Pagkasira ng isang hiyas, na nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan. Binasag nila ito sa lima at ibinigay ang mga piraso sa limang syudad na magsisilbing haligi ng Hexeria at proprotekta sa kapayapaan kasama na ang mga mamamayan nito.

Isang piraso sa ASTRA, VALTORIA, ALGORIA,CONTRERAS... At ang isa'y hindi alam kung saan o kanino napunta.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now