~~His Awakening & Second Day of Helszia's First Attack~~
MIKAEL HAYES
ANG hihina naman ng mga 'to.
Ni hindi man lang ako pinagpapawisan. Haha, sige sumigaw pa kayo mga inutil! Ang sarap sa tenga ng mga sigaw at pagmamakaawa nila.
Akala mo naman ililigtas sila ng mga luha nila o ng mga diyos at diyosa sa kalangitan.Mga gunggong! Hindi makekealam ang mga duwag na mga diyos na yun sa buhay ng mga nasasakupan nila.
Wala silang silbi!
"Kunin ang mga babae at mga bata saka paslangin ang mga kalalakihan! Siguraduhin niyong walang matitira sa bayang 'to!" Utos ko saka idinarak sa dibdib ng isang lalaki ang espada na hawak ko. Dinilaan ko ang dugo niya sa espada ko saka nilapitan ang mga babaeng nahuli ng mga kasama ko.
Syempre kukunin namin ang bata para palakihin at burahin ang mga ala-ala nila patungkol sa dati nilang buhay. Saka namin sila gagamitin laban sa sarili nilang bayan. Ang talino talaga namin.
"Parang awa niyo na, huwag niyo kaming sasaktan" pagmamakaawa nito. Tiningnan ko siya, pero nagulat ako ng iwasiwas niya ang kamay niya at nagsilitawan ang mga metal dito para dumarak sa laman ko. Pero bago makalapit ang mga yun ay sinaksak ko siya kaagad sa lalamunan niya gamit ang punyal na hawak ko.
"Sa susunod mong buhay, huwag kang bobo para gawin ang atakeng yun ulit" bulong ko saka hinila ang punyal ko mula sa lalamunan niya. Bumulwak ang dugo niya at ang iba ay tumalsik sa mukha ko.
Hayst,bwesit naman.
Ang lahat ng mga narito, sa labas ng kaharian ng Algoria ay mahihina ang mga kapangyarihan. Hahaha, mga gago!
Nasaan na nga ba yung dalagang mula sa Astra? Wala siya dito.. Tsk, ang bobo ko talaga. Naagaw ang atensiyon ko ng magsidatingan ang mga taga-Algoria para saklolohan ang mga taong 'to. Kaso wala na akong panahon makipaglaro sa kanila.
"Patayin niyo ang mga taga-Algoria na yan" utos ko saka umalis na doon.
Naglakad ako sa kagubatan saka sinundan si Carina ng makita ko siya.
Bigla siyang nawala nung makalabas na 'ko ng kakahoyan. Sa harap ko ay isang malalim na bangin, at karagatan ang nasa baba nito. Takte,nahulog kaya siya dun?"Nakita rin kita mahal na prinsipe. Kaya, paalam na rin" napakunot ako ng noo ko dahil sa sinabi niya.
Maya-maya ay naramdaman kong may pumalo ng malakas sa ulo ko.
Lumabo ang paningin ko at bumagsak ako sa lupa. Naaninag ko ang imahe ng magkambal bago ako mawalan ng malay."There will only be one king, at hindi ikaw yun" turan niya.
King....
*blackout~~
~•~
LUCILLE'S POV
YOU ARE READING
Class of Elites: Dawn Of Darkness
Acak"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother Crisanta Sandoval and with the king his father Selim Dawnvell, everything was well with butterflies and rainbows in their kingdom. Until one...