XXII

165 6 3
                                    

~~Traitors against Traitors~~

MIKAEL'S POV
Mula sa kwarto ko ay bumaba ako sa hagdan para hanapin si Rhythm yung batang yun talaga hindi mapakali laging gustong nagliliwaliw.
Habang bumaba ako ng hagdan ay may biglang nagsalita sa gilid. And of course I got shocked.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Xchindy, tumango naman ako sa kaniya.

Iginiya niya ako sa may verandah, pumihit siya para harapin ako. Seryoso ang expression ng mukha niya, and I know na seryoso rin ang pag-uusapan namin.

"When I betrayed Algoria, wala akong naramdaman na kahit na ano sa side ko...pero ngayon alam ko na ang pakiramdam...it's annoying and disappointing on my side....Four,Fifth,First at Jackson they're planning against me..." Hindi na ako nagtaka na nalaman niya ang patungkol doon. Knowing her, tsk,tsk,tsk....

"Alam ko.....so why did you tell me this?" Gumuhit ang gulat sa mukha niya ng sabihin ko ang katagang yun.

"Alam mo? Ba't hindi mo sakin sinabi?" Dismayado niyang saad, napailing naman ako at napasandal sa stoned railing ng verandah.

"Alam ko naman na malalaman mo rin ang patungkol dun....and guess what,you just did" tugon ko, napairap naman siya. Bumuntong hininga din ito at humarap sa kagubatan na kitang-kita dito.

"I can accept that threats, kaya kong harapin yun. Pero yung pinagbabantaan nila ang tatay ko, it's unacceptable.... Just so you know, sinasabi ko 'to sayo not because I need your help...I just need to release this heavy thing in my chest" paliwanag niya kaya naman napatawa na lang ako. What a complicated person this girl is.

"Hahaha okay,so what are you planning to do?" Tanong ko sa kaniya.

"Haharapin ko sila, I'll approach them at lalabanan ko sila head on"
Nakangisi niyang sabi, tiningnan ko lang naman siya.

"Really....haharapin mo sila.... hahamunin mo sila? Si First talaga?" Tanong ko, this girl is awfully brave and I fear that it will cause her downfall.

"Ano ba ang choice ko? Kung hindi naman din ako tatamarin pati pa nga sila Carlotta at Carina aawayin ko. Matagal ng mainit ang dugo nila sakin....at naiinis rin ako sa kanila" sabi niya, nakarelate naman ako sa kaniya. Those girls have been on my nerves lately, and I hate them as well sa ginawa nila sakin.

"Honestly I found your plan--it's absurd....pero parehas lang naman tayo ng kinaiinisan, napunta ako sa Algoria noon, naaksidente ako dahil sa kagagawan nila. They tried to get rid of me so Lucas will be king...." Litana ko, tumango-tango naman siya sakin.

"Wala na akong oras...kung hindi ko sila haharapin ngayon....tatagal lang....alam ko naman na darating rin ang araw na maghaharap-harap kami....why not do it early para mas masaya?" Nakangisi niyang sabi, umayos siya ng tayo saka nagsimulang lumakad mula sakin.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now