CHAPTER 15(PART II)

202 6 2
                                    

~~Bringing home
the Bacon and the Egg~~

VEX'S POV
Goodness! Hindi naman nila sinabi sa file na pakikipagpatayan pala ako sa na-assign creature sakin!! Hell yeah!
And na-assign sakin ay ang tinatawag nilang graphorn. It has this horn sought for potions,and it's hide is tough as of a dragon's,it's good nga naman din because it can repel charms,curses and spells. But it's aggressive asf!!!

"Vex! Papunta na siya sayo!" Sigaw ni Eliszia habang nakasalampak sa lupa.

Kanina niya pa kasi pinipigilan ang mga galaw ng nilalang na 'to. But gosh it's unstoppable! Habang pagsugod sakin yung graphorn ay inihanda ko na ang kulay violet kong latigo. At ang kanang kamay ko'y handa na siyang iteleport sa kung saang madali ko siyang makokontrol. Pero biglang hinarang ng alaga ni Eliszia ang graphorn at saka sila nagbanggaan with their heads.

For your informations lang, Unicorn ang naging alaga ni Eliszia. Kung akala niyo ang cute-cute at ang hinhin ng unicorn gaya ng mga nakikita niyo sa mga cartoonsa and Barbies this one is not....it's actually aggressive at nahirapan din kami sa kaniya. Pero kunting effort lang ganun...nakuha din namin siya. Eliszia name her....

"Raven!!!" Sigaw niya saka unti-unting natipak ang lupa na nasa taas nila. We're actually under a certain small slope.

That name is taken from the word 'ravenous' that means very hungry or more scavenger-ous.

"Anakngtipaklong! Magsabi ka naman na may titipakin kang lupa kundi bye-bye sa pretteh me!" Maarte kong saad na ginagaya ang accent ng pananalita ni Catherine.
Nginitian niya naman ako ng may hesitance.

Agad akong nagteleport palayo doon.
Nakita naming nakikipagtulakan pa gamit ng mga ulo nila ang dalawang nilalang na iyon. Gamit ang portal ko ay humigit ako ng isang napakahabang pole. Ngumiti ako kay Eliszia na ngayon ay tinitipak na ang lupa na kung saan ay nakatayo ang dalawang nag-uungusang nilalang.

Tumakbo ako papunta sa kanila saka ko itinukod yung pole sa lupa at tumalon papunta sa harap ng dalawa. Pinaghiwalay ko sila saka ko inagaw ang atensiyon ng nilalang na yun papunta sakin.

"That's right....ngayon...sumunod ka!" Saad ko saka muling tumakbo.
Nakita kong naghahanda na si Eliszia.
Gamit ang paa niya ay itinapon niya sa ere ang isang lancer at saka iyon sinalo. Naglutangan ang mga maliliit na bato sa lupa saka ako nawala sa harapan ng graphorn.

I appeared behind her...

"Patay kang halimaw ka" sambit ko.

Inikot ni Eliszia ang lancer niya habang pinapatamaan ang mga pebbles na yun papunta sa direksiyon ng beast na to. Tuloy-tuloy iyon kaya nakikita ko kung pano yun tumama sa katawan ng nilalang na to na para bang bullets:>

Kasalanan niya to....if only naging behave siya. Eh di sana hindi siya nasasaktan. Bakit ba naman kasi kailangan pa na ganito maging kaharap ang paghahanap ng acquaintance?! Eh sina Emory nga at ang iba pa madali ko naman naging kafrenny? So how come?!

"Suko na!" Sigaw ni Eliszia ng nakangisi. Umalis ako sa likod ni Eliszia.

Lumapit ako sa graphorn, at muli kong liningon si Eliszia, as her pet Raven goes near her. Bumaling akong sa nilalang na ngayon ay nakahiga sa lupa, at marami sugat. We go overboard didn't we? Once again, kasalanan niya 'to.

"Kumusta? Masakit 'no? 'Yan kasi, masyado ka kasing choosy....sensya na. Alam ko namang gusto mo ng kalayaan at ayaw mong matali sa isang commitment---este sa isang tulad ko....maski naman ako! Ayoko kaya na may inaalagaan, you know na hindi yan freedom kung may lagi kang aalalahanin? Yung lagi kang may responsibilidad?! For me that's not freedom eh, parehas lang kaya tayo dito. Kaya huwag ka ng mag-inarte!" Tumayo ako saka siya pinagmasdan, nakahiga lang siya sa lupa. At nakamasid sakin. Oh come on, plano ba niyang magpatay-patayan diyan?

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now