Nakatanaw lang ako ngayon dito sa isang puntod. Hawak ko ang isang sketchpad,at nakasuot ako ng earphones. Lagi na lang kaming pumupunta dito every after a month.
Hindi ko alam kung ano ang nangyare noon, all I know is that it's an epic legend where everything get wrapped up. Ang boring ng buhay na ganito, ano ba ang silbi ng kakadalaw sa kanila? Malalaman ba nila na nandito kami?Useless tradition, tsk!
"Rigel! Nasaan ka na?" Paghahanap sakin ni Tita. Tsk, walang kwenta 'to. Lumakad ako paalis ng lugar na yun.
Ano naman ang pakealam ko sa mga namatay nilang kaibigan? Kasalanan ko ba yun? Ako ba ang nag-utos sa kanila na mamatay? Sila-sila lang naman yun, nakakabagot ang lugar na yun. Tama....nakakabagot nga....
"Jusko....Ice! Hanapin mo nga yung anak mong yun! Ang tigas ng ulo naiistress na ko" rinig kong dagdag pa nito. Bahala kayo diyan.
"Ha? Bakit??....Rigel!!!!! Nalintikan na!" Pagpapanic ni papa.
Naglakad ako papunta sa isang burol.
Naupo ako dun at tinanaw ko ang kalangitan. Ang kaharian ng Algoria at ang iba pang syudad na nakapalibot dito. Ang selfish ko siguro para isipin na walang kinalaman sakin ang lahat ng nangyare dito ilang taon na ang nakararaan.Nakakainis lang isipin na dahil sa mga nangyareng yun...nawalan ako ng kapamilya....
×××
"Lalim! Ang hirap namang makaahon!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko doon si Dem. Tch ano naman ang kailangan niya?
"Anong kailangan mo...." Walang gana kong tanong. Umupo lang siya sa tabi ko at saka nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Alam mo, naiintindihan naman kita na kaya ka nalulungkot dahil namatay ang iyong ina. Pero nandito pa naman kami, hindi ka pa naman nag-iisa." Saad nito. Tatayo na sana ako pero hinila niya ako pabalik sa kinauupuan ko kanina.
"What the hell..." Sambit ko saka inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.
"Alam kong kinasusuklaman mo lahat patungkol sa nakaraan lalo na nung panahong digmaan ang sumakop sa mundo natin. Pero hindi mo maipagkakaila na kung hindi dahil sa mga sakripisyo nila, hindi natin naaasam ang ganitong kalayaan...ang ganitong buhay hindi ba?" Nakangiti nitong saad saka nilingon ako. Nag-iwas lang ako ng tingin saka bumuntong hininga.
Ayoko sa digmaan....ayoko sa mga nangyare noon. Pero tama naman siya....kung hindi dahil sa mga sakripisyo nila noon lahat ng natatamasa ko ngayon ay baka hindi ko nakakamit. Pero bakit kailangang may mamamatay? Bakit kailangan masali pa doon si Mama?
YOU ARE READING
Class of Elites: Dawn Of Darkness
Casuale"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother Crisanta Sandoval and with the king his father Selim Dawnvell, everything was well with butterflies and rainbows in their kingdom. Until one...