The Man with a Boogy-Face
~•~XCHINDY DELAURENTIS
Nakikinig lang ako kay Ma'am Cel sa dinidiscuss niya. Kaso nga lang walang nagtatagumpay na tumatak sa utak ko. Pasok sa isa labas sa kabilang tenga. Pa'no ba naman kasi,bwesit na alchemy may mga numero pang kasama at hindi lang yun may mga kemikal pa.
Nahagip ng mga mata ko 'yung Emory...ang palda niya? An armor?
Huh?
Isn't that against the uniform code of the academy? Hayst...
Wala akong maintindihan.
Rest in peace para sa utak kong walang laman..."In alchemy,may tinatawag tayong EQUIVALENT EXCHANGE ibig sabihin kung gaano kalaki ang hinihingi mo...ganun rin ang kabayaran. Ang alchemy is all about destructions and construction of things. At sa buong kasaysayan ng mundo natin isa pa lang ang nabuhay na Alchemist 'yan ay ang Reyna Teresa. Anyway! Huwag kayong mag-alala baka as we go through our lesson may matuto sa inyong gumamit ng alchemy...malakas na kapangyarihan 'yun..hahaha" masiglang turan ni ma'am. Buti pa 'tong si ma'am araw-araw masaya at maligalig. Hindi ko alam kung tinatablan 'to ng lungkot o hindi eh.
"Eh Ma'am, posible ba talagang matutunan ang alchemy o kailangan mong ipanganak na alchemist?" Tanong ni Gael kay Ma'am. 'Tong lalaking 'to laging may tanong eh siya kaya 'yung magturo tapos tanungin ko siya ng sangkatutak? Tsk, pinapatagal niya 'yung discussion. Dismissal na dapat eh.
"Both...minsan kailangan talagang nasa dugo mo ang pagiging alchemist pero natututunan lang talaga ang alchemy. Mas madali nga lang sa mga may dugong alchemist ang alchemy, but if your diligent enough to study and learn for it, hindi 'yun imposible" nakangiting sagot ni Ma'am. So case to case lang siya.
Meh,ano naman ang pake ko sa alchemy...masaya na ko sa apoy ko. Kuntento na 'ko,isa pa nakakatamad mag-aral ng iba pang kaek-ekan sa buhay tss~
"Ganun pala...sige Ma'am 'yun lang" Naupo na rin si Gael at nakipagtsismis sa gf niya. Hayst, couples nowadays nakakasilaw talaga sa mata,pwede ko naman silang sunuging dalawa pero bilang respeto sa gumawa sa kanila...next time na lang pagwalang tao sa paligid. Tatambangan ko sila sa labas tsaka ko sila dudukutin,ikukulong sa bodega at susunugin ipapalabas kong Helszian ang gumawa.
"Hihihihi..." ang galing ko talaga.
"Ne, Xchindy-san...yamero!" Natigilan ako ng may biglang pumitik sa noo ko. Tiningnan ko kung sinong lapastangan ang sumira sa pagbubulaybulay ko.
YOU ARE READING
Class of Elites: Dawn Of Darkness
Random"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother Crisanta Sandoval and with the king his father Selim Dawnvell, everything was well with butterflies and rainbows in their kingdom. Until one...