CHAPTER 4

1K 25 0
                                    

Classroom Trouble
~•~


Aeon Solemn Helbirt Dawnvell
{ASH}

Habol-hininga akong sumandal sa isang puno matapos kong matakbo ang sampung lap. Naitaas ko naman ng ulo ko sa babaeng nakatayo ngayon sa harap ko habang may inaabot na bottle of water sakin. Tiningnan ko ito, saka ko nakita ang pagtaas ng kaliwang kilay niya.

"What? Huwag kang mag-alala walang lason 'yan" natatawa niyang sabi, kinuha ko naman ito saka binuksan at ininom ang tubig na binigay niya "...on second thought, meron nga...pero chill maya-maya pa 'yan tatalab" naibuga ko ang tubig na binigay niya saka ito itinapon, at tawang-tawa naman siyang nakatingin sakin.

"What's funny?" Naikunot ko ang noo ko sa kaniya. What's with this flame girl?

"Hahaha, ang epic ng expression mo. Anyway kilala mo na naman ako diba? Xchindy Delaurentis, 18 Flame Mage?" pagpapakilala niya saka naglakad palapit sakin at naupo sa damuhan.

Umihip ang masarap na simoy ng hangin at isinayaw ang mga dahong nagbibigay ng lilim sa'min sa baba ng matayog na puno.

"To tell you the truth...I don't like you. Una pa lang kitang nakita, nung araw na 'yun, I disliked you already. Not that I'm saying it's because you're a mortal, pero... parang ganun na nga" hindi niya inaalis ang tingin niya sa mga kaklase naming patuloy pa rin sa pagtakbo habang sinasabi ang mga katagang 'yun. Napabuntong hininga na lang ako at naupo rin sa damuhan habang dumadampi ang hangin sa balat ko.

"Anong problema mo sa'min?" napatawa na lang siya matapos kong sabihin ang linyang yun saka niya ako tiningnan.

"Simple...you're weak, fragile, and greedy creatures. 'Yung tipo ng nilalang na mahihina pero hindi makuntento sa buhay. Full of desires...desires that they know they can never have.... some strive to reach it, while others holds the blade of a thousand knives just to get it. Even if it means stepping on other people's dignity, even if it means killing their own kind...anything, for their desires" napailing ako dahil sa mga sinabi niya. Lumingon ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.

"Hindi lahat ng tao gaya ng inaakala mo. May iba na oo, mahirap pero pinagsisikapan nila ang mga bagay na meron sila. May ilan na kahit napakahirap na ng buhay ay hindi pa rin sila sumusuko. May mga mayayaman, na busilak ang puso at tumutulong sa mahihirap. Oo mahihina kami, oo natitinag kami sa mga bagay na nakakasilaw but we know to stand when we're down, we help each others if we cant. At hindi kami perpekto kaya nagkakamali rin kami" depensa ko rito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang niya maliitin ang mga mortal. Pero alam ko sa sarili ko, na hindi ko gusto na minamaliit nila ang mga tao.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now