CHAPTER 22

364 12 0
                                    

~~It's The Examination Day~~


SAM'S POV

Tumunog na ang bell bilang hudyat na magsisimula na ang klase. Kasama ko ang mga kakambal ko papunta sa room. Pero dumidistansya ako sa kanila. Wala lang, di ko sila trip makasama...late puberty? Ata?

"Huy, ba't ka dumidistansiya? May ketong ba kami? O leprosy?" Tanong ni Nova dahilan para mamungay ang mga mata ko. Heto na naman siya, ang dami niyang alam.

"Kailangan ba bawat galaw ko alam mo ang rason?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. Napa-tsk na lang siya at hindi na nagsalita.

"A-Ah, good luck na lang satin para sa exam" halata ang kaba sa nagagaralgal niyang boses. Para siyang iiyak...nilapitan ko siya saka inakbayan...

"Akala mo ba di namin alam ang ginawa mo nung nasa misyon kami?" Bulong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya saka tumungo ang ulo niya.

"Hindi ko talaga inaakala na susuwayin mo kami" dagdag pa ni Nova. Wala namang komento si Snow,nakamasid lang siya sa paligid. As usual...

"Nahihirapan na kasi ako kakapanood. Tsaka pakiramdam ko dapat may gawin ako nung mga panahon na yun. Pakiramdam ko,kung tutunganga lang ako habang-buhay kong dadalhin sa puso ko ang pagkadismaya sa sarili ko" paliwanag nito. Nagkatinginan kami ni Nova dahil sa sinabing yun ni Summer.

"It's okay for you to feel like you have to do something... It's normal...but not to the point that you'll do something stupid to prove your worth" Sabat naman ni Snow sa usapan. Napatango na lang kami sa sinabi niya. Napangiti naman si Summer dahil dun.

Nakapagdrama pa tuloy kami dito sa gitna ng hallway. Pinagtitinginan tuloy kami.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO DIYAN? GUSTO NIYO DUKUTIN KO MGA MATA NIYO? NAGSISIMULA NA ANG KLASE! SCRAM!!" Minsan kahit ako na kapatid nila, natatakot sa kaniya. Ganito ba talaga ang mga babae? Nakakatakot? Kaya siguro single siya kasi lahat ng lalake takot na baka kainin niya ng buhay.

"Anong iniisip mo diyan, Sam? Kalokohan na naman ba yan? Pumasok ka na nga lang pinaiinit mo ulo ko" frustrated na saad ni Nova saka isa-isa kaming pumasok sa class room.

Umupo kami saka sinimulan ni Sir ang discussion for the examination's format.

"Makinig kayo...this morning magaganap ang examination..you'll be paired accordingly. And the match will begin at 8..see you at the Gymnasium" saad nito saka lumabas ng room. Of course wala kaming pasok ngayon because it's examination day. Why didn't we think about it earlier,damn!

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now