HERE COMES THE BRIDE!

440 6 5
                                    




VICKY'S POV




Nakatanaw lang ako sa bintana habang inaayusan ni Glydell. Napatingin ako sa kaniya at napangiti naman siya sakin, napatingin ako sa puting gown na suot ko. Sa dinami-dami ng nagdaan sa buhay namin we finally came to this point of life, masaya ako na ngayo'y wala ng kaguluhan. Kung sana nandito lang si Mom, pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon ay masaya na siya dun.









"Gosh Vicky,ang ganda mo pala. Hindi ko alam na parang diyosa pala ang ganda mo bes! Grabe hanggang ganun talaga eh.... tingnan lang natin kung hindi lumuwa ang mga mata ni Bughaw pagnakita ka niya" saad ni Glydell, napatawa naman ako ng mahina sa kaniya. Hanggang sa lumungkot din ang mukha niya. Tumayo ako at yinakap siya.....




















"Ano ba yan Glydell, huwag ka namang lumungkot ng ganyan. Today's a special day....kaya ngumiti ka....be happy Glydell" sambit ko, isinandal naman niya ang noo niya sa noo ko saka siya ngumiti. Napatawa na lang kaming dalawa dahil sa kadramahang 'to.


















"Guys bakit andiyan pa kayo? Tara na....nariyan na ang sundo natin.... Vicky anong nangyare sa make-up mo....hayst bahala na nga...Tara na" nagmamadaling sabi ni Audrey saka ibinigay sakin ang bouquet ng mga bulaklak. Hinawakan ko ang laylayan ng suot ko at lumakad.




















Pagkatapos kong lumabas sa bahay ay nakita ko si Dad at Ginoong Macario, ang ama rin ni Audrey. Nakatayo sila sa harap ng karuwahe at nakasuot ng formal. Napangiti naman ako at yinakap si Dad, si Audrey ay yumakap naman din sa ama niya. Napangiti naman si Glydell samin.
















"Malalate na tayo....Tara na ho!" Usal ni Glydell kaya kaagad naman kaming sumakay sa karuwahe.













"Ang aporadong bata" natatawang sabi ni Ginoong Macario. Napatawa naman kami ng mahina.



















Habang umaandar ang karuwahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Malaki ang nagbago dito, simula nung magkadigmaan namatay ang mga tanim at dumilim dito....pero ngayon.....hayst, ilang taon na ang nagdaan at hindi ko pa rin yun makalimutan......




















"Nakakatuwa talaga....hindi ko inaasahan na sa kabila ng mga nangyare darating tayo sa puntong it. Ang saya ko" saad ni Audrey, napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Napakaganda niyang babae, sirena nga naman.....




















"Andito na tayo! Hala wala ng tao sa labas....nagsisimula na!" Natatarantang usal ni Glydell saka ako hinila palabas ng karuwahe.













Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now