CHAPTER 17

416 15 0
                                    

~~Helszia's Attack~~


VEX'S POV

Tinitigan ko ang kwentas na tinapon ni Ash. Hayst, regalo 'to sa kaniya ng mga magulang niya. Why would that dude throw this away just like that?
Minsan ko pa nga lang 'to nakita na isinuot niya. Hayst...

"Makinig kayo, hahatiin ko ang grupo natin sa apat...dalawa bawat isang grupo. Hindi tayo pwedeng maglibot ng isang grupo dahil masyado tayong marami. Pero bago yun, maghahanap muna tayo ng matutuluyan" saad ni sir James saka nagpatiunang naglakad.

Tumawid kami sa kalsada at napahanga ako kasi may tila poste na may senyales sa taas na umiilaw. Siguro yun ang nagsasabi sa mga tao na dapat silang tumawid o hindi. Kahanga-hanga dapat meron ding ganyan samin.

"Vex, bilisan mo!"  Saway sakin ni Ma'am Amiella. Kilala niya ko, kasi tinuturuan niya kami sa training.

Huminto kami sa harap ng tinatawag nilang 'hotel'. Saka kami 'nag-check -in' tapos ayon na nga, magkakwarto kami ni Miss Trixie. Naku patay..

"Is it your first time to be in the mortal world, Miss Gray?" Tanong niya sakin habang inilalagay ang mga gamit niya sa aparador

"Opo eh, hehehe...first time ko ring maassign sa isang misyon" tugon ko. Tumango naman siya sakin saka ngumiti.

At ayun, katahimikan na naman.
Awkward, bakit ba naman kasi si Miss Steel pa ang nakasama ko sa kwarto ba't hindi na lang sina Nova or Snow, nakakailang kasi kapag mas matanda sayo ang kasama mo sa isang kwarto.

"Huwag kang maiilang sakin okay?
We can be friends naman, kahit senior mo 'ko" malumanay niyang sabi habang inilalagay ang mga gamit niya sa tamang lalagyan. Tumango naman ako sa kaniya.

Maya-maya ay lumabas din kami, and guess what...partner din kami. Una naming pinuntahan ang isang kakahoyan...malamig ang hangin dito sa mundo ng mga tao lalo na ngayon gabi. Kinikilabutan tuloy ako. Pano kung mas nakakatakot pala ang mga halimaw dito kaysa Algoria? Kaya sa Hexeria? Katakot naman...

"Vex, huwag kang gagalaw...may apat hanggang limang tao ang nandito." I froze after hearing her.
Wengya, agad-agad?

"Miss Trixie,anong gagawin natin?" Tanong ko, matapos mamataan ang limang lalaki na nakabalabal na naglalakad sa kagubatan. Ang masaklap nito, taga-Helszia nga sila.

"Makinig ka....." At ibinulong niya nga sakin ang plano niya. Tango lang ako ng tango dahil wala naman akong masabi. Ang galing lang ng naisip niyang estratehiya.

Nagtanguan kami saka biglang umilaw ang bracelet niya at saka siya tumakbo papunta sa kinalalagyan ng mga kalaban.Isang malaking palakol na double bladed ang hawak niya ngayon, saka siya maliksing kumilos para paslangin ang mga kalaban niya.

Ako naman? Well....

Gumawa ako ng portal magical rings, at itinapon sa dalawa saka sila pinutol to halves! ang brutal ko talaga...hahahaha....

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now