~~All of those Impulsive Things ~~
ELISZIA'S POV
Hindi na 'ko makatayo....hirap na hirap na 'ko. Hindi nila kami pinapatigil sa pagtratrabaho sa sarili naming lupain. Inaalalila at ginugutom, ang tanging nagpapalakas na lang ng kalooban ko ay ang pamilya ko at mga kaibigan. Minsan iniisip ko na lang na sumuko sa buhay.Habang nakabaluktot sa gilid ay iniinda ko pa rin ang mga latay ng latigo at pamamalo na nakuha ko kahapon. Kunting pahinga lang ay sasaktan ka nila....kunting pagsagot lang ay hahampasin ka nila ng mga sandata nilang hawak.
Ngayon....pakiramdam ko hindi na ako magtatagal. Tsk, nakakaawa naman ako....pasensya na mom and dad mahina ang unica hija niyo.
"Eliszia,tumayo ka na diyan parating na sila.....siguradong sasaktan ka nila paghindi ka na tumayo diyan" malumanay na tawag sakin ni Emprez. Sinubukan ko namang tumayo, mumunting ungol na mula sakin ang narinig nila dahil hapong-hapo na 'ko.
They helped me buong gabi, sila ang gumamot sa mga sugat ko. They took a good care of me.
"Ayos ka lang ba,Eliszia? Hey, kaya mo pa ba?" Natatarantang tanong sakin ni Summer. Hindi na ako nakaresponse pa sa kanila. I'm just tired, too tired....
"Bigyan niyo siya ng maiinom, kahit walang pagkain basta may tubig kaya niyang makaligtas" rinig kong saad ni Sir Martel. Naaninag ko na nagkatinginan sina Summer at Emprez.
Kailangan ko ng tumayo, nagiging pabigat na ako. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan dito, pero kahit anong subok ko, kahit anong sabi ko sa sarili ko na tumayo ay ayaw namang sumunod ng katawan ko sakin. Inside, I'm just frustrated na hanggang dito magiging pabigat ako?
Tumayo ka Eliszia....
"Sir Martel, wala na pong tubig dito eh. Hindi na rin po makatulong si Scarlet dahil hinigpitan na ng kaniyang amo ang pagbabantay as kaniya." Malungkot na ulat ni Emprez. Hinimas naman ni Summer ang likod ni Emprez.
"Nakatakas si Vicky, somehow may tumulong sa kaniya. Dahil dun ay naging alarma ang mga Helszian.... Eliszia, pasensya na please hang on gagawa ako ng paraan...." Tumayo si Summer at humawak sa rehas saka nagsisigaw para humingi ng tubig.
Tumulo na lang ang luha sa mga mata ko. I feel so helpless dahil hindi ako makagalaw, I feel like I'm paralyzed. I'm so useless....I'm useless!
"Lloyd.....Anong ginagawa niyo dito?!" Bulalas ni Emprez. Sa hindi malamang pagkakataon ay nabuhayan ang kalooban ko dahil sa narinig ko.
"Ililigtas namin kayo---- Eliszia! Ayos ka lang ba?!" sinubukan kong makaupo man lang, pero hindi talaga ako makagalaw.
YOU ARE READING
Class of Elites: Dawn Of Darkness
Acak"......let me tell you a story....once upon a time, a Prince named Ash lived happy with the queen his mother Crisanta Sandoval and with the king his father Selim Dawnvell, everything was well with butterflies and rainbows in their kingdom. Until one...