Chapter 9:Lie?

8.3K 275 0
                                    

Chapter 9:Lie?

Aleissa Vanesse's P.O.V

"Ah...hindi,sakatunayan nga ang ganda ganda dito,pero....."sabay yuko ko."Pero may kulang eh..."malungkot kong ani.

"Hah?anong kulang?"Tanong ni Areo,huminga ako ng malalim at tinignan ang bayan na ngayon ay nasa aming harap.

"Mami-miss ko ang Ina at ama ko at saka ang Vanesse Garden" sagot ko na walang pagdadalawang isip,malalaman din naman nila na naipangalan yunh hardin na iyon samin handa din naman akong gumawa ng excuse,hindi ko na inisip kung magsisinungaling o hindi para din naman ito sa'kin.

I need to be selfish sometimes.

"Va-Vanesse Garden?eh...sagrado yung lugar na yun"naguguluhang sabi ni Agua.

"Oo nga,pano ka nakakapasok doon?hindi din naman tatablan ng teleportation papasok sa lugar na yun"ani ni Freezene na kunot ang noo.

Bahagya akong tumawa at nilingon sila."by my best friend"sagot ko.

"Sino?"tanong ni Flora.

"Pwede sa bahay ko nalang sabihin?nangangawit na rin kasi ako"ani ko,ngumiti sila sakin maliban kay drion na naka tingin lang sa'kin at mukhang may malalim itong iniisip.

Agad na lumapit sa'kin sina Flora at Agua at hinawakan ang aking kamay,sa kaliwa ko ay sina Flora at Areo sa kanang bagi naman ay sina Agua,Freezene at Drion.

Isang kisap mata lang ay andito na kami sa loob ng isang malaki at magarang bahay.

"Welcome sa ating bahay Vanesse"ani ni Freezene.

"Tara maupo kana at magkwento Vanesse"pagmamadali ni Flora.

Tinignan ko ang aking mga nature fairies at kinausap ko sila sa aking isipan.

"Salamat sa pag tulong sa'kin dalhin ang mga yan"ani ko sa kanila at nginitian ko sila sa aking isipan.


"Wala pong ano man Mahal na Prinsesa kung may kailangan pa po kayo tawagin nalang po ninyo kame"ani ng nature fairy kong si lily.

I bow at them ganun din ang ginawa nila sa'kin at biglang naglaho.

"Wow!wow!wow!" namamanghang ani ni Flora habang nanlalaki ang kanyang mga mata."nakaka usap mo rin sila?" Tanong n'ya na tinanguhan ko na lamang at umupo sa sofa.

"So magkukwento nalang ako"ani ko.

"Syempre hindi lang kwento,kumanta ka rin pagkatapos mong magkwento." Ani ni Agua habang nakangiti.

"Huh?pwedeng isa-isa lang?" tanong ko,pero umiling lang silang apat.

"Magkwento ka nalang muna"ani ni flora.

Tama ba itong ginagawa ko?mag kukwento ba talaga ako?pero magsisinungaling naman ako eh....

'Bat parang mabigat sa loob ko ang magsinungaling sa kanila?light please help me....

Pagkatapos ko iyong ibulong sa aking utak may narinig akong mahinang boses ng lalake.

'Make friends again with your old friends'

Bulong nito,huh?ano daw?hindi ko maintindihan,matalino ba talaga ako?

"Vanesse okay ka lang?"tanong ni Agua na tinanguhan ko lang. "Narinig mo ba ang tanong ko?"mahina n'yang tanong.

"Ah...hindi eh...pwedeng paki ulit nalang?"tanong ko at tumingin sa kanila.

"Ang tanong ko,sino ang best friend mo dun sa kaharian?" tanong ni Agua.

"Si yaya moody"ani ko na tigilan nalang ako ng ma-realize ang sagot ko."a-ang ibig kong sabihin lola Medina"pag papalusot ko,please wag sana nilang mahalata,sabi kasi ni yaya kilala s'ya dito sa labas ng kaharian eh..

"Ah..."ani ni flora at napa tango tango.
Naniniwala na ba sila?mukhang hindi sila kumbinsido eh....

"Hindi kame kumbinsido sa sagot mo." Cold na sagot ni freezene,hala baka na halata nila,pano na yan?

"Pano mo naging best friend si yaya moody eh...mukhang mag kaka-edad lang tayo at may ka-edaran na rin si yaya moody."sabi ni Areo,kaya ba sila hindi kumbinsido sa sagot ko dahil malayo ang agwat ng edad namin ni yaya?

"Hindi naman sa edad nakabase ang pagkaka-ibigan eh sadyang mabait lang talaga si lola Medina kahit na minsan ay papalit palit ang mood n'ya"ani ko at pinag laruan ang aking kamay."hindi din kasi ako pwedeng makipag kaibigan sa ibang enkantado at enkantada dahil sa mahigpit ang aking Ina at ama sa mga immortal na lumalapit sa'kin."dagdag ko,kita ko naman ang pagkaawa nila sa akin, hmm...hindi ko to sinasabi para magpaawa sinabi ko iyon dahil yun ang totoo.

"Sorry ha kung hindi kami kumbinsido sa sagot mo kanina,hindi naman namin alam na over protective ang mga magulang mo sayo"ani ni Agua at malungkot na ngumiti.

"Kung over protective sayo ang parents mo,bakit ka andito?"tanong ni Flora sa mahinang Tono.

"Hindi ko rin alam"matipid kong sagot at bumuntong hininga."so...hindi na ako kakanta?"masigla kong tanong na nagpangiti sa kanilang apat maliban pa rin kay drion na naglakad na papasok sa....ewan ko kung saan.

"Kukuha lang kami ng pop corn!!"sigaw ni freezene at areo

Tumayo na ako at hihilain na sana ang bagahe ko nang hilahin ako nina flora at agua pa upo.

"Kakanta ka pa rin no,hindi ka makakatayo dito sa kinauupuan mo kapag hindi ka kumanta."banta ni Flora na ikina tawa ko ng mahina.

"Ok,ok bitawan n'yo muna ako"sabi ko at tinignan sila

"Ayaw!"sabay nilang sabi at umiling-iling.

"Pano ko kukunin ang gitara ko kung naka hawak kayo sa'kin?"mahinhing kong tanong,nagkatinginan na muna sila at sabay na tumango at binitawan ako,agad akong tumayo at kinuha ang aking gitara sabay upo sa bandang harap ng sofa.

"So....anong kakantahin ko?"ani ko at tinignan silang dalawa na nakaupo,wala rin yung tatlong lalake ewan ko kung asan sila ang sabi kukuha raw sila ng popcorn.

"Ahm....alam mo ba ang kanta na black magic?"tanong ni Flora na ikinatango ko."eh....sa mortal world yung kantang yun diba?"tanong n'ya ulit.

"Tatlong taon rin akong nanirahan dun"sabi ko at inayos muna ang aking gitara,maganda kayang pakinggan ang kantang black magic sa instrumentong ito?bahala na nga.

Inhale.....

Exhale......

Hoo.......

~
Enjoy and keep reading....

AJA!!!

👇★

The Red Hoodie Princess (Majestic Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon