Chapter 26:Accuse

6.7K 232 1
                                    

Chapter 26:Accuse

2 months later.....

Aleissa Vanesse's P.O.V

After two months naging mas close pa kami ng apat maliban kay drion na palaging tahimik.

Kasalukuyan kaming nasa silid aralan namin at nakikinig sa aming salamangkerang guro nasi Mrs.Cloraffy Coal na isang witch.

"And dwalahhh"ani ng aming guro pagkatapos n'yang ma-perfect ang potion,"Just follow the procedures and I'm sure,na mape-perfect n'yo rin ang disappearing potion"ani ng guro habang nagliligpit.
"Good luck"huling sabi ng aming guro at biglang naglaho.

"Vanesse pupunta kami sa Cafeteria,dali sama ka"
nagmamadaling aya ni Flora at hinila ako palabas ng silid aralan.

"Asan na sin--"Hindi ko pa natatapos ang aking itatanong nang sagutin agad ni flora.

"Nauna na sila"sagot n'ya habang mabilis na naglakad,madali kaming nakarating sa cafeteria at agad naming hinanap ang aming kaibigan at ang aking mga kapatid.

"Ayun sila oh"turo ko nang makitang kumakaway si Areo.

"Ayy 'bat ang layo nila?teka Vanesse um-order muna tayo"agad kaming um-order ng lunch namin ni Flora,pagkatapos naming mag-order ng pagkain namin ni flora saka nilapitan ang aming mga kaibigan.

"Babe tabi tayo"malambing na ani ni Areo at hinawakan ang kamay ni flora habang ako naman ay matuwid na nakatayo habang buhat buhat ang tray ng aking lunch.

"I'll sit here babe"nakangiting sagot ni flora,teka nasabi ko na bang magkasintahan na sila?hmm nevermind.

"Vanesse dito ka tumabi kay drion oh bakante pa"nakangiting ani ni Areo at hinila ako papunta sa bakanteng upuan na katabi ni drion,shocksss bad vibes ang isang to eh....suplado at mahilig mang-akusa.

"Bunso!"tawag ni saryo vix.

"Hmm?"sagot ko at tinignan si saryo vix na malapad ang ngiti.
" 'bat ka naka ngiti saryo?"tanong ko,matagal itong nakatingin sa'kin habang nakangiti.

"Wala,cute n'yong tignan ni drion eh kinikilig na yan ayieeeee" tukso ni saryo vix,ano raw?nang mag sink in sa'kin ang sinabi ni saryo vix.

"Tumahimik ka nga Saryo!" suway ko at pinandilatan s'ya,Che....ako kikiligin? Tss how come na kikiligin ako sa taong ayaw ata sa akin.

"Ah...hayaan mo yang si vix bunso,kumain kana lang"napako ako sa aking kinauupuan nang marinig ang huling sinabi ni saryo zyrus,paano ako kakain?

Alam ko namang bibig ang gamit nun pero.....kailangan ko pang Alisin ang mask ko,sheezzz first time ko na ngalang makapasok dito sa cafeteria epal naman ang labas nito.

"Ahmm.....uuwi na muna ako para kumain"malungkot kong ani at hinawakan ang tray ng pagkain upang isama ito sa aming tahanan.

"Sh¡t 'bat hindi ko yun naisip?!"naiinis na ani ni saryo zyrus."pasensya kana bunso, nakalimutan ko kasi na may mask ka palang suot."paghingi nang tawad ni saryo zyrus habang mariin na napapikit.

Iba talaga kapag may kapatid kang iniisip na lahat ay big deal."wala yun saryo buti ay mauna na ako sainyo,gutom na ako eh..."ani ko at tumayo."kita kita nalang tayo sa classroom" nakangiti kong ani,alam kong hindi nila iyon nakikita mismo sa'king labi ngunit nakikita nila iyon sa'king mga mata kaya bakit ako hindi ngingiti diba?

The Red Hoodie Princess (Majestic Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon