Chapter 23:Something
Aleissa Vanesse's P.O.V
Pagkatapos ng history class namin ay agad kaming pumunta sa training hall kung saan gaganapin ang aming combat class.
Nang makarating kami agad nilang binati si drion at kinumusta,habang busy sa pagpapalit ang aking mga saryo may naramdaman akong madidilim na aura.
Pagkalingon ko tumambad sa'kin ang nagsisitakbuhang mga estudyante.
"AHHHHHHHHHHHH!!!!!"rinig kong sigaw nila habang patuloy pa rin sa pagtakbo papunta rito sa aming dereksyon.
Ano bang meron?at may nakikita akong madidilim na awrang sumasayaw sa hangin,tatakbo na sana ako sa kakahuyan nang biglang may humawak sa aking siko.
"Wag kang pupunta doon at baka ikaw nanaman ang kanilang pakay."ani ng lalaking humawak sa aking siko,agad ko s'yang nilingon,noong Una ay hindi ako makapaniwala pero nang hinawakan n'ya ang aking kamay ay sinabi ko na sa aking sarili na totoo at hindi imahinasyon ito.
"D-drion s-saan tayo pupunta?"tanong ko nang magsimula s'yang humakbang sa opposite way ng madilim na aura.
"Doon sa mga kaibigan natin"ani nito na nakapagpagulo sa aking isipan.
Kahit kailan ay hindi n'ya ako kinibo pero ngayon ay mukhang may pag-aalala ang kanyang mga mata at ang kanyang tinig.
"K-kaibigan?"hindi makapaniwala kong tanong,bibitaw na sana ako sa pagkakahawak n'ya sa aking mga kamay pero mas hinigpitan n'ya ito at nagmadaling maglakad.
"Wag kang bibitaw at baka mawala ka"ani ni drion at lumingon lingon ito upang makasigurong walang kalabang sumusunod.
Drion?
alam mo bang malakas ang tibok ng aking puso ngayon sa di malamang dahilan?tanong ko sa aking isip ng maramdaman ang pagbilis nang tibok ng aking puso.
"Ayun na pala si vanesse oh!"sigaw ni Areo at iniyugyug si saryo Vix nang makalapit kami ay agad na bumaba ang tingin ni areo sa magkahawak naming kamay ni drion.
"Aba teka!'bat magkahawak ang inyong kamay?"mapangasar na tanong ni areo at itinuro ang aming mga kamay na mahigpit pang naka hawak sa isa't isa.
Agad kaming bumitaw sa isa't isa habang ang aking mga pisngi ay nag-iinit sa hiya,mabuti nalang at nakatakip ang kalahati ng aking mukha.
"Uuuuyyyyy....na hiya pa kayo hahaha"asar ni flora at tinusok ang aking tagiliran na nagpakiliti sa'kin.
"Vanesse wag kay drion masama ang ugali n'yan whahahahaha" tawang tawa na ani ni agua at tinapik ang balikat ni drion ng samaan s'ya nito ng tingin.
"Halikana bunso aalis na tayo"nagmamadaling ani ni saryo Zyrus na aking ipinagtaka,saan kami pupunta?
"Saan tayo pupunta saryo?"tanong ko at tinignan ang kanyang takot na takot na mga mata.
"Kukunin ka nila bunso,at gagawin ka nilang kasapi ng dark felors."paliwanag ni saryo vix
Naiintindihan ko naman sina saryo vix at saryo zyrus pero,kailangan ko pa bang magtago?pwede ko naman silang labanan malakas at makapangyarihan ako,hindi nila ako makukuha dahil maharlika ang dugong dumadaloy sa aking ugat mataas ang katungkulan ng kaharian namin dito sa mundo ng mahika.
Kaya...bakit pa ako magtatago?kung kaya kong patumbahin ang mga kampon ng aking lolo.
"Hinde!!"sigaw ko"hindi ako magtatago kayang kaya ko silang labanan!"matigas kong ani.
"B-bunso u-huminahon k-ka a-alam naman na-namin yun pero..."saglit na huminto si saryo vix at tinignan ang paligid,"pero pagnakita nila kung gaano ka kalakas baka hindi na nila tantanan ang pag punta rito sa academy upang kunin ka sa amin." Naluluhang ani ni saryo vix.
"Wag kang umiyak Vix,hindi mangyayari yan dahil hanggat buhay tayong dalawa walang makakalapit sa bunso natin,tandaan mo yan Vix"palaban na ani ni saryo zyrus,ibubuka ko na sana ang aking bibig ngunit sinenyasan ako ni saryo zyrus na manahimik nang may marinig kaming kaluskos mula sa Majestic Forest.
"Maghanda kayo sa pakikipag laban"ani ni freezene,tinignan n'ya ako saglit at biglang naglabas ng ice barrier at ikinulong ako rito.
"Freezene ilabas mo ako rito!"galit kong sigaw,agad kong nilingon si saryo zyrus na ngayon ay nakatingin sa kagubatan,"saryo zyrus ilabas n'yo ko rito!"sigaw ko,hindi na nila ako pinansin at tumuloy na sila sa pakikipag laban nang lumabas ang mga dark felors.
Mabilisan ang galaw ng aking mga saryo at nina Drion,Freezene,Areo, Agua at flora dahil marami ang mga dark felors double time talaga sila kung makipaglaban.
Napa singhap ako ng masugatan si saryo vix,agad akong gumawa ng paraan upang tulungan sila sa pakikipaglaban,ngunit kahit anong gawin ko sa barrier na ginawa ni freezene ay hindi talaga iyon na babasag,tuloy tuloy ako sa pagtibag nito hagang sa dumako ang aking tingin kay freezene na napa upo na sa sobrang pagod.
Nag-isip ulit ako ng paraan upang makatulong ngunit sa aking ginagawa ay may nasasaktan na pala ako,naka hold pa rin kay freezene ang barrier kaya sa tuwing sinusubukan kong basagin ang barrier ay dahan dahan namang nanhihina si freezene dahil nakasalalay ito sa kanyang lakas,napa buntong hininga na lamang ako at umupo.
"I'm the one who needs to fight,not my family nor friends"bulong ko sa aking sarili at umiyak na lamang.
Pumikit na lamang ako at dahan dahang ipinapaagos ang aking luha sa telang naka takip sa kalahati ng aking mukha.
Ilang minuto rin akong naka pikit at pilit na pinapakalma ang aking sarili hanggang sa maisip ko si light ang elemental guardian ko,pabulong kong binangit ang kanyang pangalan at dahan dahang nagmulat.
Ngiti ang tumambad sa aking labi dahil sa pagtulong ni light sa aking mga kaibigan at sa aking mga itinuturing na tunay na kapatid."light,itaboy mo sila.." bulong ko at tuluyang nanghina hagang sa dumilim na ang aking paningin.
~
Enjoy and keep reading....♥AJA!!!
👇★
BINABASA MO ANG
The Red Hoodie Princess (Majestic Academy)
FantasyTAGLISH- A Princess who's trying to hide everything,even her identity,she lost someone that's very important and half of her life... will she found that someone? Who is this The Red Hoodie Princess? ...