1

440 10 0
                                    

Yoona's POV

Lunch time na.

Maingay ang mga students sa cafeteria. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan sila habang kumakain.

Ako?

Eto mag-isang kumakain at nagrereview para sa exams mamaya.

Sanay na ko mag-isa.

May mga kaibigan naman ako, sina Shaira, Chris Tine at Adenie. Ngunit bihira kami magkasabay maglunch dahil di tugma ang sched namin.

Tahimik akong kumakain ng biglang may lumapit sa lamesa ko.

And it was Park Chanyeol, trainee sa SM Entertainment.

Sa aking gulat, nabitawan ko ang kubyertos na aking hawak at nakangangang nakatingin sa kanya.

"Hi Yoona. Can I join you?" wika nito at nakangiting linapag ang kanyang tray sa lamesa.

Tumango lang ako at tahimik itong kumain.

Puno ng pagtataka ko siyang pinagmasdan.

Anong meron???

Bakit nandito to???

Di na lamang ako nagsalita.

Kumain narin ako kahit ilang na ilang sa presensya nya.

Pasulyap sulyap ako sa kanya at manghang-mangha.

Ang gwapo niya grabe!!

He has this baby face looks with that cute dimpled cheek when he smiles.

And that deep voice of his, that makes your heart melt.

Haaay........

Di kataka-takang madami ang nahuhumaling sa kanya dito sa university.

"Nagrereview ka? Sa Literature ba yan?" nagulat ako sa tanong nya.

"Y-Yup." mautal kong sagot.

Kinuha nya yung librong binabasa ko at tinignan.

"Ah... Shakespeare. The famous author of Romeo and Juliet. Pero sa totoo lang, mas gusto ko yung A Midsummer Night's Dream niya." komento nito sabay balik sakin ng libro.

Wow.

Di lang gwapo, may alam rin siya pagdating sa literature. Most probably matalino ito.

"Maiba ako, may gagawin ka ba sa saturday? Invite sana kita sa birthday ko." pagiimbita nito.

Nabigla ako sapagkat maliban sa birthday ng mga kaibigan ko, wala naman iba pang nagimbita sakin.

Anong kalokohan to???

Ako, iimbitahan sa birthday niya???

Weh??? Di nga???

"Please lang, wag ako pagtripan mo." mataray kong ani.

I abruptly stood up and collected my things. I also picked up my empty lunch tray and headed towards the tray dispenser.

"Teka lang Yoona. Wala akong masamang intensyon. Gusto lang kita maging kaibigan." paliwanag niya habang sumunod sa akin kahit di pa ito tapos kumain.

Kaibigan???

Seryoso pala talaga itong nag-iimbita...

With that sad look on his face right now, nakakahiya naman itong tanggihan...

Inadjust ko ang salaming aking suot at humarap sa kanya.

"G-Ganon ba? S-s-sige darating ako." nahiya kong sinabi.

Oo nga naman baka nakikipag kaibigan lang siya....

Wag ka ngang assuming Yoona, kakahiya ka!!

"Nice! Kunin ko number mo para text kita what time at location." natutuwang aniya.

Habang binibigay ko sa kanya number ko, nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Siguro nagtataka bakit ako kausap ng isang Park Chanyeol....

Pagkakuha nya ng number ko, nagpaalam narin itong babalik sa klase.

Habang naglalakad sa hallway, dun palang unti-unting nagsink in sakin ang nangyari kanina....

What just happened???

Totoo ba to???

Gusto ako maging kaibigan ni Park Chanyeol???

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon