7

272 12 0
                                    

Yoona's POV

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa kinatatayuan ko.

Nag-akyatan ang dugo ko sa ulo at parang sasabog ang dibdib ko sa aking nasaksihan.

Tumalikod agad ako at nagtatakbong umiiyak palayo sa bahay ng manloloko kong boyfriend.

Bakit nya nagawa sakin to????!!!!

Totoo pala lahat ng sinabi ni Mi Rae!!Napaglaruan lang ako ni Chanyeol!!

Bakit di ko to napansin???!!!

At bakit ko pa binigay lahat lahat sa kanya?!!!!

Walang tigil ang pag-iyak ko hanggang makarating sa bahay.

Durog na durog ang pakiramdam ko sobra!

Dumiretso agad ako nang kwarto at nahiga sa kama.

Panay pa rin ako sa pag-iyak kahit sumasakit na ang ulo ko.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang makaramdam na parang hinahalukay ang aking puson at naduduwal. Agad akong tumakbo sa banyo at tuluyang nagsusuka.

"Ano ngyayari sakin?" nasambit ko sa sarili.

Bigla ko naalala, di pala ko dinatnan ngayong buwan!

"Shhh**ttt!!! Nooooo!!! Noooo!!!!" nagsisigaw na ako in denial sa natuklasan.

Kahit medyo hilo pa rin, agad kong hinanap ang pregnancy kit na nakatago ko at nagtest.

Para namanb nagunaw mundo ko habang unti-unti lumabas ang dalawang guhit.

Hindi to maaari please!!!!

Ngunit sinampal na ako ng katotohanan.....

Buntis ako.....

At ang hayop na yun ang ama!!!

Nanlambot ako at napaupo nalang sa sahig nang mag-sink in sakin ang kahabag-habag kong sitwasyon.

Pano ko to sasabihin sa mga magulang ko???

Pano na ang mga pangarap ko???

"Hayop ka Park Chanyeol!!!!! Bakit ako pa napili mong sirain ang buhay!!! Wala kang awaaaa!!!" galit kong sigaw sa loob ng kwarto habang walang tigil sa pag-iyak.

Hindi pwede to.....

Hindi ko dapat sya iniiyakan ng ganito!!

Wala syang karapatan sa mga luha ko!

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisngi at hinawakan ang aking tiyan.

"Wag ka mag-alala baby. Si mommy bahala sayo. Sisiguraduhin kong hindi na tayo masasaktan pa ng ama mo." pangako ko sa aking baby.

"Kahit kelan hinding hindi makikita ng traydor na yon ang anak nya!"

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon