6

293 11 0
                                    

Yoona's POV

"Ano kaya dahilan bakit gusto ako makausap ni Mi Rae?" pagtataka ko habang hinihintay si Mi Rae dumating dito sa coffee shop.

Kaninang umaga nakatanggap ako ng text galing sa kanya na kung pwede daw ba kami magusap. May importante syang sasabihin.

After a few more minutes, dumating na nga si Mi Rae.

"Sorry to keep you waiting." sabi nya at umupo sya sa tapat ko. Tinawag nya ang waiter at umorder na kami.

"So Yoona, how's it going with my bestfriend?" tanong nya.

"Well, one year na kami as you can see." sagot ko at,

"Ano nga pala yung sasabihin mo?"

"Woah, what's the rush? Coffee muna tayo?" sabi nya na medyo natatawa.

Di kami nag-imikan hanggang dumating ang orders namin. Then,

"Yoona alam mo naman siguro ayaw ko sayo diba?" sabi nya na may halong pagtataray.

Di ako kumibo. Yumuko nalang ako at madiing hinawakan ang mug ko.

"Pero ayoko rin ginagawa kang laruan ng bestfriend ko." dagdag nito na ikinabigla ko.

Tumingin ako sa kanya na puno ng pagtataka. Ano pinagsasabi nito?

"Bakit mo naman nasabi yan? Wala kang alam sa relasyon namin." medyo pagalit na tono ko.

"You're just a stupid bet. Ginirlfriend ka lang ni Channie kapalit ng electric guitar." nakangisi nyang sinabi.

Tumayo ako, hinampas ang lamesa at tinitigan sya ng matalim.

"Alam kong ayaw mo sakin Mi Rae. Pero wag na wag kang gagawa ng kwento para lang paghiwalayin kami ng bestfriend mo!" pasigaw kong sinabi.

Sya naman, kalmado lang. Patingin tingin pa sa polished nails nya. Aba matindi rin!

"Why don't you ask him yourself? Believe it or not, that's the saddest truth. Di ka man lang ba nagtaka na isang kagaya mo lang papatulan ni Channie?" nakangiti nyang sabi.

Di ko na kayang magstay pa at makipag argue sa babaeng to. Umalis na lang ako at umuwing umiiyak.

It's been 4 days since sinabi ni Mi Rae sakin about sa pustahan. Pero I don't have the guts to ask Chanyeol about it. I have my doubts pa rin naman na baka di totoo or inisip na baka dati lang yun at di na ngayon. Magiisang taon narin naman kami. Kaya hinayaan ko na lang at pinilit bumalik sa normal.

Umalis sila mama at sa susunod na araw pa ang balik. Naisipan kong surpresahin si Chanyeol na dun muna ako matutulog sa kanila. Balak ko rin sya komprontahin tungkol sa 'pustahan' na sinabi nung demonyitang bff nya.

Nakarating ako sa kanila bandang 7 na ng gabi.

Papasok na sana ako ng pinto, pero napahinto ako sa nakita ko.

Si Mi Rae at ang hayop na Chanyeol, naghahalikan!

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon