8

272 7 0
                                    

Chanyeol's POV

Tinulak ko si Mi Rae pagkatapos nya ko biglang halikan.

Di ako makapaniwala sa mga ipinagtapat nya sakin.

Matagal na pala nya kong gusto at nasasaktan daw sya sa pakikipagrelasyon ko kay Yoona.

"Please Channie! Ako na lang please! Mahal na mahal kita!" pilit akong niyayakap at ako naman ay nagpupumiglas.

"Stop this Mi Rae! Are you crazy?! Mahal ko si Yoona!!" inalis ko ang pagkakayapos nya.

"Mas matagal na tayong magkakilala! Since we were kids! Di nga ko nagboyfriend dahil sayo pero di mo pa rin napansin yon! I was waiting for you Channie!" iyak nya.

"Bestfriend kita Mi Rae at ayoko mabago yun. Mahalaga ka sakin pero di ko kakayanin ipagpalit si Yoona." sabi ko. Napaupo nalang ako at nagtakip ng mukha. Sising sisi sa nagawa namin.

"Channie please! Tutumbasan ko pagmamahal nya sayo! Hihigitan ko pa promise! Please just love me back, Channie." pagmamakaawa nya.

"Get out of my house Mi Rae. Bago pa tuluyang mawala natitirang respeto ko sayo." tumayo ako at iniwan na syang umiiyak sa living room.

(...1 week later)

Isang linggo ko ng sinusubukang hanapin at makontak si Yoona. Sa di ko malamang dahilan, bigla na lang ito hindi nagparamdam at ng magpunta ako sa kanila, wala ng tao. Maski mga kaibigan nya di rin daw alam saan si Yoona. Hindi rin ito nagpaalam sa kanila.

Tinanong ko rin si Mi Rae kung sinabi ba nya ang nangyari samin, pero hindi rin daw. Di nya magagawang sabihin yon dahil na rin sa kahihiyan na nareject sya. Kaya ganun nalang ang pagtataka ko ng mawala na parang bula si Yoona.

Anniv pa naman namin ngayon. Tinignan ko ang kwintas na binili ko para sana sa kanya. Maluha luha akong inaalala mga pinagsamahan namin.

"Yoona, asan ka na ba? Bakit ang dali lang para sayo iwanan ako?" buntong hininga ko.

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon