25

235 7 0
                                    

Yoona's POV

Ilang oras na lumipas buhat ng umalis si Chanyeol.

Tumigil narin ako sa paghi-hysteria after mag-administer ng gamot na pangpakalma ang nurse.

Ngayon alam na ng hayop na yun ang ginawa niya sakin noon.

Tama lang yun, para matigil na tong kahibangan ko sa pag-aakalang napatawad ko pa siya.

Kung hindi nagpakita si Mi Rae baka nahulog na naman ako sa Chanyeol na yun! Salamat narin at natauhan ako.

Chanyeol's POV

Tinawagan ko agad si Mi Rae pagkaalis ng ospital at nakipagkita sa kanya sa coffeeshop kung san kami dati madalas tumambay.

At nang dumating na siya, nanlilisik na ang mga mata ko sa galit.

Sa loob loob ko, kung di lang masama manakit ng babae baka nabigwasan ko na ito agad.

"Wow! I missed this place ah. Brings back happy memories with you!" kilig na sinabi nito bago naupo.

Hindi niya pinansin ang expression ng aking mukha.

"Ganyan ka ba talaga kasama Mi Rae?! May konsensya ka pa ba?! Masaya ka ba sa ginawa mo samin ni Yoona?!!" panunumbat ko sa kanya.

Hindi ko na pinansin kahit pinagtinginan na kami ng ibang customers.

"Woah, anong pinagsasabi mo? Like, what did I ever do to you and Yoona? Are you accusing me right now?!!" aniya at galit narin ang tono ng pananalita nito.

"You're a devil in disguise Mi Rae. Di ako makapaniwalang naging bestfriend ko ang isang katulad mo. You're a selfish, attention seeker little b*tch!!!" gigil kong sambit habang nakakuyom ang mga palad ko.

"What the hell, Chanyeol??!! Ano bang mga kasinungalingan na pinagsasabi sayo ng demonyong babae mo hah?!! Sinisira niya lang tayo, Channie.... Please... Wag kang papauto sa kanya!!" pakiusap ni Mi Rae, mangiyak-ngiyak na ito.

"Walang dapat sirain si Yoona dahil matagal ng sira ang pagkakaibigan natin!!! Last warning ko na to sayo Mi Rae... Don't you dare show your f*cking face infront of me!!!" dinuro ko siya at yun na ang huli kong sinabi bago ko ito iniwang umiiyak sa coffeeshop.

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon