Yoona's POV
Ilang linggo narin nakalipas mula ng sinagot ko si Chanyeol.
Madalas na kaming sabay maglunch sa school. Wala syang pakialam kahit pinagtitinginan kami. Lagi rin kami sabay umuwi at hinahatid nya ko sa bahay. Minsan pa nga, nags-stay sya for dinner at ang parents ko naman tuwang tuwa.
Pero sa kabila ng pinapakita nya, duda pa rin ako sa kanya. Sa itsura kong to, seseryosohin ba ko? Nakonsulta ko na rin to sa mga kaibigan ko at iba iba ang kanilang opinyon. Si Shaira masaya sya na may nagbibigay na ng attensyon sa kin. Si Chris Tine at Adenie naman, nagdududa.
Late na natapos ang aming klase kaya di ko na inasahang mahahatid pa ko ni Chanyeol. Pero nagulat ako ng makita ko sya sa labas ng university. May kausap syang magandang babae. Sino naman kaya to?
Lumapit ako sa kanila. Nang makita ako ni Chanyeol ngumiti sya at kinawayan ako.
"Bunny, may gusto pala ko pakilala sayo." sabi nya pagkadating ko sa tapat nila.
Bunny naging tawagan namin ni Chanyeol. Sabi nya kc para daw ako fluffy bunny tas sya naman malaki kasi tenga. Kaya napagkasunduan namin Bunny.
"Siya nga pala si Mi Rae, bestfriend at kababata ko."
Ah eto pala yung lagi nyang kinukwento sakin na bestfriend nya. Tumango ako at kinamayan sya.
"Hi, I'm Yoona." pakilala ko.
Pero halata sa reaksyon ni Mi Rae na di nya ko gusto. Parang napilitan lang sya makipagkamay sakin.
"Uhuh..." tumango sya at humarap kay Chanyeol, "Channie I have to go. Bibilhin ko pa yung guitar mo. I'll drop by your house tonight na lang." sabi nya.
Pagkatapos nila magbeso beso, di na ko liningon ni Mi Rae at tuluyan na syang umalis.
May pagkamaldita rin tong bff ni bunny ah. Tsaka may pa I'll drop by your house pa syang nalalaman. Hmp!
"Ok ka lang bunny?" pag aalala ni Chanyeol.
Di ko namalayan nakasimangot na pala ko.
"Buti pa sya nakakapunta sa bahay nyo." pagmamaktol ko. Yumuko na lang ako at inayos ang salamin ko.
"Hey, wag ka na magtampo. Promise sa friday sasama kita sa house." niyakap nya ko at hinalikan sa noo. "Wag na magalit bunny ko please?"
Ako naman as usal, ayun, bumigay rin sa yakap nya.
"Di naman ako galit. Nagtatampo lang ako bunny."
Bumitaw na kami sa pagyakap at nagsimula ng maglakad papuntang bus stop.
"Di mo kylangan magtampo bunny. Kababata ko kasi si Mi Rae kaya mula pa noon open na sya sa bahay." paliwanag nya.
"Sorry ah, alam ko naman ibig mo sabihin. Siguro naiinggit lang ako kasi ganun kayo ka-close." mahina kong sabi.
Hinawakan nya kamay ko at ngumiti, "Hayaan mo, palagi na kita isasama samin."
BINABASA MO ANG
EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>
FanficNasa college sila nang maging boyfriend ni Yoona si Chanyeol na trainee pa noon sa SM Entertainment. Hindi palaayos si Yoona, mukha syang manang at madalas syang asarin na 'nerd'. Kaya ganun na lamang nya minahal si Chanyeol dahil tinanggap sya nit...