9

272 10 0
                                    

Yoona's POV

It's been 4 years mula ng huli akong nasa Seoul.

Kung may choice lang ako, hindi na ko babalik dito. Masyado maraming masasakit na alaala ang lugar na to sakin.

"Mommy can I watch cartoons?" pacute na nagtanong si Chloey.

"Sure babe. What do you want to watch?" tanong ko sa aking anak habang hawak ang maliit nyang kamay at sinamahan ito sa living room.

"Barbie!" excited na sigaw nya at nagtatalon.

Si Chloey ang batang ipinagbuntis ko noon. Anak ko sa taong nanloko at trumaydor sakin.

Akala ko wala ng pag asa pang mabuo muli ang sarili 4 years ago.

Maswerte ako sa parents ko dahil sila ang tumulong at sumuporta ng ako'y nagdadalang tao.

Nang malaman nila ang kalagayan ko, agad kami nagtungo sa kamag anak namin sa Japan. Tumigil na rin ako sa pag-aaral. After 3 months pagkapanganak ko, pinasok ako ng pinsan ko sa isang t.v network.

Sa una, nahirapan ako dahil sa language barrier. Pero sinikap kong pag aralan ang kanilang salita. Nagwork ako bilang production staff for one year.

Doon ko nakilala si direk Kim. Isang korean director na nagwowork sa Japan. Madali kami naging close lalo na kami lang ata korean sa tv station na yun. At isa pa napakasaya nya kasama, bading kasi kaya kalog sobra.

Siya nagmake over sakin and taught me ng tamang pananamit at pag-aayos.

Hanggang may isa syang dinerek na drama at ito na ang simula ng pagbabago sa buhay ko.

Kinuha nya akong cast, bilang kapatid ng babaeng bida. Marami namangha sa pag-arte ko, kaya naman nascout narin ako ng ibang directors.

Everything went so fast. After another year, laman na ko ng balita, dagsa na ang projects and commercials, even modeling kinuha rin ako. I established my name here in Japan. And the rest was history.

I enjoyed the limelight and being a mother to my daughter, Chloey. Well, of course, di ko pa pwede sabihin sa press that I have a kid, lalo pa't 2 years palang ako sa industriya.

Kasabay ng pagsikat ko ay ang pagiging matagumpay rin ni Chanyeol.

Nasa isang kpop group sya na EXO, na kilalang kilala di lang sa Korea pati na rin dito sa Japan at sa ibang bansa pa. Minsan binabalita rin na gumaganap sya sa kdramas.

Kaya ayoko man makarinig ng tungkol sa kanya, wala ako magagawa. Sikat na sikat rin sya eh.

One day, nakatanggap ako ng tawag galing kay direk Kim.

Nasa Seoul daw sya and he's working on a project. Sabi nya, I best fit the lead role kaya super nangungulit sya tanggapin ko ito.

Ngunit ang masaklap dun, si Park Chanyeol daw ang male lead role!

I badly wanted to say no because I don't want to see or work with the guy who betrayed me.

But on the other hand, pano ko tatanggihan ang taong tumulong sakin marating kung ano ako ngayon? At isa pa, isn't this a chance para makaganti sa hudas na yon?

So I agreed and now I am here again sa Seoul with Chloey and her yaya. Di ko na pinasama sila mama at papa dahil wala naman akong balak magstay dito. After finishing the project, I'm planning to go back sa Japan asap.

Habang nanonood kami ni Chloey, nag-ring phone ko.

*Unknown number calling

Sino kaya to?

Si direk pa lang nman may alam ng number ko ah.

Sinagot ko ang tawag, "Hello? Who is this?"

"Yoona??? Thank God! Kamusta ka n-------"

Binaba ko agad yung call.

Sh*t!!!

Si Chanyeol ba yun??

Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Boses pa lang, nanginginig na ako.

Nag-ring ulit phone ko.

*Unknown number calling

I cancelled it and blocked the number.

What the f*ck?

Ang kapal rin ng lalaking yun para mangulit?!!

Pero teka nga lang, pano ba nya nakuha number ko?!!

Chanyeol's POV

Nang malaman ko makakatrabaho ko sa isang project si Yoona, di na ako mapakali. Ang dami kong mga tanong na gusto ko marinig ang mga kasagutan. Kaya agad ko kinuha ang number nya kay direk Kim.

Sinubukan ko syang tawagan pero binabaan nya ako ng phone. I tried again, but I think she blocked my number.

Bakit ba iwas tong kausapin ako? 4 years na nakalipas pero bakit parang ayaw nya ko makausap man lang? Ano ba tinatago niya sakin? At anong dahilan bakit niya ko iniwan ng ganun ganun na lang?

I tried dialling her number pero ayaw talaga mag go through ng calls ko.

"Yeollie let's go. Start na ng rehearsal." sumilip si Baekhyun at tinawag ako.

"Sige sunod na ko Baek." sabi ko sa kanya.

Pailing iling ako na lumabas ng locker room.

Di bale, soon magkikita rin kami. And she won't be able to avoid me and my question why she left me hanging four f*cking years ago.

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon