24

226 8 0
                                    

Chanyeol's POV

Agad akong pumunta sa ospital na pinagdalhan kay Yoona. Ten minutes na nakalipas ng tawagan ako ni Baekhyun at binalita sakin na hinimatay daw si Yoona sa set.

Halos paliparin ko na ang sasakyan makarating lang agad sa pinagdalhan dito.

Pagkarating ko sa ospital, madami ng reporters na naka-abang sa labas ng room niya.

Nang makita nila ko, agad sila nagsilapitan at nagtatanong habang kumukuha ng photos.

Di ko sila pinansin at dumiretso lang sa loob ng kwarto ni Yoona.

Si Baekhyun ang sumalubong sakin sa loob.

"Bro, buti dumating ka na. Kanina pa siya walang malay."

Agad akong lumapit kay Yoona at hinawakan ang kamay niya. Puno ng pag-aalala ko itong pinagmasdan.

"A-A-Anong sabi ng doktor? May sakit ba siya?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala naman siyang sakit. Over fatigue lang daw si Yoona. Dala ng stress at pagod. She needs to rest for a few days and pwede na ulit siya magwork." paliwanag nito.

"Bakit nga pala nasa set ka nila Yoona kanina?" I asked.

"Well.... I wanted to meet her. Eh ayaw mo naman ako pakilala kaya ako na gumawa ng paraan. Good thing kilala rin pala ni Mi Rae si Yoona kaya nagpasama ako kanya. Kaso bakit ganun? Parang galit siya kay Mi Rae, di niya manlang pinansin." nagtatakang ani ni Baekhyun.

"Si Mi Rae?!! Bakit ka niya sasamahan dun eh di naman sila close ni Yoona?!" napalingon ako kay Baekhyun.

"Malay ko dun!! Teka nga lang.... Meron ba akong di nalalaman?!" pagdududang tanong nito.

He gave me puzzled look na animo'y nagtataka sa mga kinikilos at sinasabi ko.

"W-W-Wala... Wala....." umiling ako dito at binaling muli ang tingin kay Yoona na mahimbing pa ring natutulog.

Hinalikan ko ang kamay nito na aking hawak at masuyo siyang pinagmasdan.

"Alam mo Yeollie.... Dapat sinabi mo una palang na may gusto ka rin kay Yoona..... Kasi sarili mo lang linoloko mo. Isa pa, parang di mo naman ako tinuturing na malapit sayo para paglihiman mo..." prangkahang sambit ni Baekhyun at padabog na lumabas ng kwarto.

Hahabulin ko pa sana siya ngunit naalala kong madami nga palang reporters sa labas. Mahirap na at baka kami pa maging laman ng balita bukas. Kakausapin ko na lang siya paguwi ko sa dorm.

Madaling araw na nang magkamalay si Yoona.

"Thank God Yoona nagising ka na rin! May gusto ka ba kainin? Teka, tawagin ko yung nurse." taranta akong tumayo para sana tawagin ang nurse.

"Leave." mariing sabi nito na labis kong ikinabigla.

"Yoo----"

"I SAID LEAVE!!!! NOW!!! UMALIS KA HARAPAN KO!!!" galit na sigaw nito.

Lumapit ako agad dito.

"Yoona! Ano ba nangyayari sayo hah?! Ako to si Chanyeol!" tinuro ko ang sarili.

Umiiyak na ito at nagsimula ng maghysterical.

Gigil na hinatak nito ang nakakabit na dextrose sa kanyang kamay na agad naman nagdulot ng pagdurugo.

Naaalarma na ako sa pinaggagawa ni Yoona.

Para siyang sinapian at wala sa sarili juskooooo!

"T*ng*na kung ayaw mo umalis ako ang aalis dito!!!!" sigaw niya habang bumebwelo ng bumaba sa bed.

Inawat ko siya at niyakap ng mahigpit.

Maluha-luha narin ako at di na alam ang gagawin.

"Please tama na Yoona... Bakit ka ba nagkakaganyan?! Sabihin mo naman PLEASE!!!" pakiusap ko dito.

Tinulak niya ko ng malakas.

Nanlilisik ang kanyang mga mata at bakas ito ng poot at galit.

"Anong bakit?! May amnesia ka ba o SADYANG NAGTATANGA-TANGAHAN?! Gawin akong girlfriend kapalit ng GITARA? T*ng*na!! GITARA TALAGA??!!! At nakalimutan mo na ba GINAWA NIYONG KAHAYUPAN NG BESTFRIEND MONG HIGAD?!! Wag mo ideny dahil kitang kita ng dalawang mata ko na NAGHAHALIKAN KAYO!!!! Ngayon mo ko tanungin kung BAKIT AKO NAGKAKAGANITO CHANYEOL?!!! AYAN ANG SAGOT KO KUNG BAKIT KITA INIWAN!!!"

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Yoona.

Biglang hindi na ako makagalaw at unti-unting pinagpapawisan ng malamig.

Ilang segundo rin bago nag-sink in ang lahat.

WTF?!!!!

Alam ni Yoona ang pustahan?!!!

Pati ang nangyari samin ni Mi Rae?!!!!

At ito ang dahilan kung bakit siya nawala noon?!!!

EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon